Sa mga nagpasa ng documents sa coins na unemployed, ano pinasa nyo sa option na binigay nila na mas convenient at approve agad?
Worried ako sa account ko pababa ng pababa yung limits dahil di pa ko nakapasa ng hinihingi nila.
Parang nasagot na ito dati or ibang user iyon? May list silang ibibigay sa iyo at ikaw lang ang makakasagot kung saan doon ang convenient para sa iyo kasi iba-iba kami ng pinasa. Mas madali na nga ngayon kasi pati crypto-related documents puwede ng ipasa. Dati wala yan.
Kung tingin mo may di ka kayang isubmit sa mga nandoon sa list, kausapin mo na lang iyong support para ma-guide ka sa mas magandang gawin.
Nag pasa ako ng police clearance sir, 2 years na ako verify sa coins pero wala naman akong problema sa kanila hanggang ngayon. Ano ba balak mong ipasa at naverify mona ba coins account mo?
Di yan ibig sabihin niya bro. Verified na sya sa coins.ph kaya lang nakaranas na rin iyong account niya ng pagbaba ng limit doon sa usual na limit niya. Additional verification na ang kailangan at di iyong basic requirements.
Yun nga din iniisip ko. Like obviously they knew mostly of their users are crypto users and so in trading, okay na yung once nakapag provide ka eh okay na. Lagi na lang silang in doubt sa mga pumapasok na pera. And besides di naman sila masisilip ng AMLC.
Mukhang nakalimutan niyo na iyong mas pina-strict na mandato ng BSP sa mga crypto exchange.
Gaya ng sabi ko, kung average amount ang pumapasok at umiikot either milyones pa yan
"regularly" wag na paulit-ulit ang verification. Ako rin naman ayaw ko ng ganyan kasi yearly din ako may video interview.
Ang i-subject na lang nila for additional verification eh iyong may biglaang pagtaas ng umiikot na amount coming from small average kasi mas alarming iyon.