Pages:
Author

Topic: Coins.ph Official Thread - page 89. (Read 291604 times)

copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
January 12, 2020, 01:49:30 PM
Ang di ko magets kung paano iyong mga nag-ooffer ng discounted bills tapos ang MOP is GCASH din at coins.ph. Bakit di na lang magrekta payment kung ang MOP is dyan lang din sa dalawa lol. Di na kasi active iyong mga online TUT groups na kasali ako dati kaya di na ako updated. Cheesy
Been there sa ganyang sideline pero never ako nag offer ng discounts sa mga nag papabayad ng bills lol. Anu ipapatong ko sa inoffer na discount,di nga nag o'offer ng discount si coins, paymaya or gcash sa mga bills ako pa kaya.

Salamat sa feedback. Maybe this month I'll try coins.ph para sa bills. Anyway, kapag ba malaki yung bill like 2k+ eh 5pesos parin yung rebate? I hope by percentage din yung rebate.  Grin
If I'm correct may 100 pag naka 5 times ka magbayad ng bills a month at 100 din siguro pag first time, at 5 lang every bills, if may percentage siguro may cap yun, max 20 or 50 lol
legendary
Activity: 3318
Merit: 1133
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
January 12, 2020, 06:38:46 AM


Salamat sa feedback. Maybe this month I'll try coins.ph para sa bills. Anyway, kapag ba malaki yung bill like 2k+ eh 5pesos parin yung rebate? I hope by percentage din yung rebate.  Grin


5 pesos lang brad kahit magkano pa.
Ang pinaka magandang incentive ay yung 100 pesos nga after 5 bills yata.
Basta meron silang ganong klaseng promo para mapush ang mga payers na sila ang gamitin.

Malulugi sila kapag percentage base ang rebate. Sa load lang yan kaso may limit na din yata.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
January 11, 2020, 07:14:37 PM
Maganda rin kapag naka desktop mode, may ganyang feature pala honestly di ko alam yung ganyan.

Anong feature? Iyon bang nakahambalang sa lower right side screen gaya ng sabi nung isa?

Kahit anong notification ganun talaga pag desktop mode hehe. Parang popped-up.

Alam ko kahit sa ticket ganyan din pag nagreply sila and sa desktop ka nag-login.
Oo brad, ganyan ngang feature. Hindi ko alam yung ganyan at kasi madalas lang din naman ako bumibisita sa mismong website nila.

Meron na yan bro matagal na. Wala ba sa iyo? Try mo lumipat ng ibang IP or sa pagkakaalam ko kahit same device basta every login ganyan sa akin. By default talaga sya since walang feature sa Settings para ma-disable yan. Added extra security layer din yan alongside 2FA (pero deactivated 2FA ko lol).

Kaya yan pinagtataka ko dun sa case na nagpadisable ng 2FA sa phone kasi nasira phone niya. Paano makalogin iyong hacker doon sa account niya e need pa ng authorization sa email. Makakapasok lang iyong hacker if parehas iyong password ng email at coins.ph account niya which I doubt parehas nga.
Meron sa akin bro kaso hindi forced na iopen yung notification. Kumbaga kahit sa ibang IP basta makalog in hindi na irerequire ng confirmation mula sa email.
hero member
Activity: 2184
Merit: 891
Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform
January 11, 2020, 12:18:51 AM


Salamat sa feedback. Maybe this month I'll try coins.ph para sa bills. Anyway, kapag ba malaki yung bill like 2k+ eh 5pesos parin yung rebate? I hope by percentage din yung rebate.  Grin
 
Basta ahead of due date bro para smooth at wala talagang problema.
Okay, so I could assume na hindi pwede ang overdue bills sa coins.ph? Sa gcash kasi pwede. 🤔
legendary
Activity: 3318
Merit: 1133
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
January 10, 2020, 08:43:52 PM
May rebate na sa coins.ph for bills payment? Thanks in advance.
Meron 5 php, tpos pag nka 5 bills payment ka meron 100 rebate.

Ang gcash kasi wala rebate eh ilang beses na rin ako nagbayad ng meralco at pagibig pero wala ko nakukuha kaya mas ok sa coins magbayad.

Agree ako diyan.
Dati akong payer ng bills thru Gcash. Okay naman kasi nga walang fees unlike magbayad ka sa labas.
Pero ang problema eh meron mas better.
Ikaw pa ang babayaran ng 5 pesos dahil pinili mo lang sila.

Para saken malaking bagay yan lalo kapag naipon. Kaya ako nagswitch sa Coins. Bale, yung wala lang sa option ni Coins.ph ang binabayaran ko ngayon thru Gcash. Like sabi ko yesterday yung Goodhands nga na water supply.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
January 10, 2020, 01:50:13 PM
Ok lang naman bro mag aadvise na lang ako dito pero malamang naman kasi walang mag aavail kasi may mga accounts naman na sa coins.ph, kaya ang balak ko dito na lang sa nga circle of friends ko tsaka popondohan ko pa kung sakali hehe atleast nalaman ko na may proof naman kahit papano in case na magkaroon ng problema na hindi mag credit ganon, hindi din kasi maiiwasan minsan e.

Basta ahead of due date bro para smooth at wala talagang problema. Kapag naman nagpasuyo sa iyo pero due date na tanggihan mo na lang at parektahin mo na lang sila sa Bayad Center. Mahirap na masisi lol.

Sideline ng iba yan sa GCASH e, sila magbabayad ng bills pero limited lang sa kakilala. Pati sa coins.ph gamit na gamit na rin which is convenient din naman lalo sa mga di sanay sa online payment at ayaw na lumabas ng bahay.

Ang di ko magets kung paano iyong mga nag-ooffer ng discounted bills tapos ang MOP is GCASH din at coins.ph. Bakit di na lang magrekta payment kung ang MOP is dyan lang din sa dalawa lol. Di na kasi active iyong mga online TUT groups na kasali ako dati kaya di na ako updated. Cheesy
member
Activity: 261
Merit: 11
Campaign Manager - PM
January 10, 2020, 10:49:01 AM
May rebate na sa coins.ph for bills payment? Thanks in advance.
Meron 5 php, tpos pag nka 5 bills payment ka meron 100 rebate.

Ang gcash kasi wala rebate eh ilang beses na rin ako nagbayad ng meralco at pagibig pero wala ko nakukuha kaya mas ok sa coins magbayad.

Inulit mo lang yung reply nung nasa taas, ano yan spam nalang   Wink
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
January 10, 2020, 07:35:54 AM
May rebate na sa coins.ph for bills payment? Thanks in advance.
Meron 5 php, tpos pag nka 5 bills payment ka meron 100 rebate.

Ang gcash kasi wala rebate eh ilang beses na rin ako nagbayad ng meralco at pagibig pero wala ko nakukuha kaya mas ok sa coins magbayad.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
January 10, 2020, 06:18:32 AM
Pa feedback naman if ano mas okay for bills payment, gcash or coins.ph? I usually use gcash kasi feeling ko mas okay and one time din kasi I used coins.ph for electric bill kaso failed lang lagi.

What I like sa gcash ay yung iscan mo lang yung barcode then put the amount to be paid then okay na, I mean di ka na mag manual input ng numbers unlike sa coins.ph

May rebate na sa coins.ph for bills payment? Thanks in advance.

5 pesos ang rebate sa coins.ph per unique bill. tapos 100 pesos bonus kapag naka 5 unique bills payment ka. hindi ko lang sure kung per week yun or per month.

Sa gcash naman wala masyado promotions sa bills payment pero mas convenient sa gcash compare sa coins.ph based on my experience.
Ang madalas gamitin ko sa pagababyad ng bills ay ang coins.ph dahil may rebate talaga at sa loob ng isang linggo ay may rebate akong 100 pesos kaya naman nakakatuwa yun nga lanh kapag nakalima bayad ka. Kaya kabayan sa coins.ph kana na lang magbayad ng mga bills mo dahil sure naman papasok yun binayad mo o mapupunta mismo sa company yung binayad mo.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 253
January 10, 2020, 03:18:34 AM
Pa feedback naman if ano mas okay for bills payment, gcash or coins.ph? I usually use gcash kasi feeling ko mas okay and one time din kasi I used coins.ph for electric bill kaso failed lang lagi.

What I like sa gcash ay yung iscan mo lang yung barcode then put the amount to be paid then okay na, I mean di ka na mag manual input ng numbers unlike sa coins.ph

May rebate na sa coins.ph for bills payment? Thanks in advance.

5 pesos ang rebate sa coins.ph per unique bill. tapos 100 pesos bonus kapag naka 5 unique bills payment ka. hindi ko lang sure kung per week yun or per month.

Sa gcash naman wala masyado promotions sa bills payment pero mas convenient sa gcash compare sa coins.ph based on my experience.
hero member
Activity: 2184
Merit: 891
Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform
January 10, 2020, 02:01:34 AM
Pa feedback naman if ano mas okay for bills payment, gcash or coins.ph? I usually use gcash kasi feeling ko mas okay and one time din kasi I used coins.ph for electric bill kaso failed lang lagi.

What I like sa gcash ay yung iscan mo lang yung barcode then put the amount to be paid then okay na, I mean di ka na mag manual input ng numbers unlike sa coins.ph

May rebate na sa coins.ph for bills payment? Thanks in advance.
legendary
Activity: 3318
Merit: 1133
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
January 10, 2020, 01:10:57 AM
Kelan kaya maisasali ng coins.ph ang CASURECO II at NAWASA electric at water bills respectively ng Naga City, Camarines Sur? Buti pa ang other province ng Bicol region meron na gaya ng Camarines Norte, Albay (Daraga) at Sorsogon.
Nag send message na ako sa kanila regarding this, sana ASAP maidagdag na sa list nila para makapag pay bills na rin kami using coins.ph.

Parehas tayo may problema sa ganyan.

Dito naman sa amin ay GoodHands ang pangalan ng water supply.
Wala din sa option yan ni Coins.ph kaya sa Gcash ko yun binabayaran.
Napapawithdraw pa thru Coins to Gcash para lang mabayaran ang tubig.  Grin

Sana ma-update nga nila yung mga ganto dahil madami pa hindi naka-register sa kanila.
Pwede siguro tayo gumawa ng suggestions sa kanila.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
January 09, 2020, 11:39:36 PM
Kelan kaya maisasali ng coins.ph ang CASURECO II at NAWASA electric at water bills respectively ng Naga City, Camarines Sur? Buti pa ang other province ng Bicol region meron na gaya ng Camarines Norte, Albay (Daraga) at Sorsogon.
Nag send message na ako sa kanila regarding this, sana ASAP maidagdag na sa list nila para makapag pay bills na rin kami using coins.ph.
Siguro iniisip ng coins.ph yung mga mas maraming user kaya naman gaya ng Meralco ang kaanilang isinama sa kanilang system na pwede tayong magbayad pero hindi naman lahat sa Meralco nakakabit eh. Pero ask mo sa coins.ph kung nay plano ba sila sa sinasabi ming company na idagdag ito sa app nila libre lang naman magtanong. Pero sana nga yung sinasabi mo mailist para sa kababayan natin diyan na gustong magbayad.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
January 09, 2020, 09:01:06 PM
Kelan kaya maisasali ng coins.ph ang CASURECO II at NAWASA electric at water bills respectively ng Naga City, Camarines Sur? Buti pa ang other province ng Bicol region meron na gaya ng Camarines Norte, Albay (Daraga) at Sorsogon.
Nag send message na ako sa kanila regarding this, sana ASAP maidagdag na sa list nila para makapag pay bills na rin kami using coins.ph.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
January 09, 2020, 09:00:39 PM

bro maiba ako, so pwedeng makakuha ng receipt sa mga bills na binabayadan pero need pang irequest o automatic na nasa email na yon? Yan lang kasi inaantay ko para makapag start din ako kahit papano ng bills payment ko kahit sa mga tropa ko lang dito atleast makakpag provide ako ng resibo.

Eto brad.



Kung sa bahay bahay lang, hindi na masamang patunay yan.
Kung magkaproblema naman eh siguradong tutulungan ka ni Coins.ph dito.
Mas panalo sila sa mga ganyang services syempre. So, malamang gusto din nila na kahit iba iba may-ari ng bills eh basta sa kanila ang unang option.

Kung ako hihingi ng serbisyo sayo okay na sa akin yan. Basta lang maayos ang transaction natin.

Ok lang naman bro mag aadvise na lang ako dito pero malamang naman kasi walang mag aavail kasi may mga accounts naman na sa coins.ph, kaya ang balak ko dito na lang sa nga circle of friends ko tsaka popondohan ko pa kung sakali hehe atleast nalaman ko na may proof naman kahit papano in case na magkaroon ng problema na hindi mag credit ganon, hindi din kasi maiiwasan minsan e.
legendary
Activity: 3318
Merit: 1133
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
January 09, 2020, 08:22:03 PM

bro maiba ako, so pwedeng makakuha ng receipt sa mga bills na binabayadan pero need pang irequest o automatic na nasa email na yon? Yan lang kasi inaantay ko para makapag start din ako kahit papano ng bills payment ko kahit sa mga tropa ko lang dito atleast makakpag provide ako ng resibo.

Eto brad.



Kung sa bahay bahay lang, hindi na masamang patunay yan.
Kung magkaproblema naman eh siguradong tutulungan ka ni Coins.ph dito.
Mas panalo sila sa mga ganyang services syempre. So, malamang gusto din nila na kahit iba iba may-ari ng bills eh basta sa kanila ang unang option.

Kung ako hihingi ng serbisyo sayo okay na sa akin yan. Basta lang maayos ang transaction natin.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
January 09, 2020, 06:29:54 PM
Maganda rin kapag naka desktop mode, may ganyang feature pala honestly di ko alam yung ganyan.

Anong feature? Iyon bang nakahambalang sa lower right side screen gaya ng sabi nung isa?

Kahit anong notification ganun talaga pag desktop mode hehe. Parang popped-up.

Alam ko kahit sa ticket ganyan din pag nagreply sila and sa desktop ka nag-login.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
January 09, 2020, 05:56:01 PM
Di yan ang ibig kong sabihin bro. Di ko rin pinapansin yang email na yan.

Ang ibig kong sabihin may email authorization by default kapag nag-login sa ibang device or much better IP. So kahit di man pala-check ng email, talagang mappwersa sila na mag-open ng email. Kinalkal ko na ang coins.ph settings pero walang option para idisable yan so meaning default yan.
Ang oo parang sa mga ibang wallets at exchanges din may ganyang feature, sana nga ilagay nila yung ganyan.

Meron na yan bro matagal na. Wala ba sa iyo? Try mo lumipat ng ibang IP or sa pagkakaalam ko kahit same device basta every login ganyan sa akin. By default talaga sya since walang feature sa Settings para ma-disable yan. Added extra security layer din yan alongside 2FA (pero deactivated 2FA ko lol).

Kaya yan pinagtataka ko dun sa case na nagpadisable ng 2FA sa phone kasi nasira phone niya. Paano makalogin iyong hacker doon sa account niya e need pa ng authorization sa email. Makakapasok lang iyong hacker if parehas iyong password ng email at coins.ph account niya which I doubt parehas nga.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
January 09, 2020, 05:10:10 PM
Totoo yan. Hindi lahat nagchecheck.
Pero aminin natin na gamit na gamit na si Coins.ph pag dating sa bayaran ng bills.
Like me, 4 bills ang binabayaran ko  buwan buwan.
Kailangan ko yung resibo nito, at yun at sa e-mail makukuha kaya dun ako nagchecheck.
Ang mga madadali naman thru e-mail phishing is yung mga nagbabayad ng bill. Meaning, may perang laman ang accounts nila.

Nakita ko yung isa pang notification na warning sa desktop mode ng coins.ph. nakahambalang agad siya sa lower right side ng screen kasi.  Grin
Sana lang wag na maulit to. I-trace agad nila pano ito nangyari. Baka mamaya inside job na.
Maganda rin kapag naka desktop mode, may ganyang feature pala honestly di ko alam yung ganyan. Kahit may mga perang laman yung mga accounts basta naka-on yung feature ng 2FA, walang dapat problemahin.

bro maiba ako, so pwedeng makakuha ng receipt sa mga bills na binabayadan pero need pang irequest o automatic na nasa email na yon? Yan lang kasi inaantay ko para makapag start din ako kahit papano ng bills payment ko kahit sa mga tropa ko lang dito atleast makakpag provide ako ng resibo.
Meron bro, automatic nasa email.
Ganito yung title niya sa email "We have successfully processed your bill payment".

Di yan ang ibig kong sabihin bro. Di ko rin pinapansin yang email na yan.

Ang ibig kong sabihin may email authorization by default kapag nag-login sa ibang device or much better IP. So kahit di man pala-check ng email, talagang mappwersa sila na mag-open ng email. Kinalkal ko na ang coins.ph settings pero walang option para idisable yan so meaning default yan.
Ang oo parang sa mga ibang wallets at exchanges din may ganyang feature, sana nga ilagay nila yung ganyan.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
January 09, 2020, 04:09:08 PM
Sa email nakakatanggap ako kapag naglo-login ako sa ibang device pero hindi naman siguro ganun kaagad nilang mano-notice yun lalo na kapag sa mismong app at phone lang lagi sila. Hindi din lahat ng mga user ay pala check ng mga email address nila.

Di yan ang ibig kong sabihin bro. Di ko rin pinapansin yang email na yan.

Ang ibig kong sabihin may email authorization by default kapag nag-login sa ibang device or much better IP. So kahit di man pala-check ng email, talagang mappwersa sila na mag-open ng email. Kinalkal ko na ang coins.ph settings pero walang option para idisable yan so meaning default yan.



Ilan na ba dito nakapag update sa coins.ph apps nila?

Sa update ni coins.ph, automatic ba na mag update kung pindutana ng update sa apps or kailangan i uninstall at reinstall ang coins.ph na apps? Hindi pa din ako nakapag update eh...

Ako manual update since dyan ko sinet iyong sa Playstore. Damay lahat ng apps kapag nag-auto ako at wifi pa naman ang lagi kong gamit. Pero sa case naman ni coins.ph bihira sila mag-prompt na you need to update unless kapag big update. No need uninstall at reinstall yan. Sobrang hassle nun.

No worries naman kung di ka pa nakapag-update pero as recommended mas maganda na always up to date ang app.
Pages:
Jump to: