Ito rin naisip ko nung una kasi di rin ako nakatanggap ng text. Kaya sabi ko before paano nakakuha ng numbers iyong mga scammers e nasa database na yan ng coins.ph. Gumawa nga siguro ng ibang phishing site iyong mga hacker para sa purpose sa pagkuha ng numbers.
Ang tanong ko na lang dyan is iyong sa text kasi galing mismo sa coins.ph base sa mga nabasa ko sa comment section since kasama nung phishing text message iyong mga previous system message ni coins.ph. Nasa iisang thread lang sila. Sayang wala ako natanggap, gusto ko makita ng actual na kasama iyong phishing text message dun sa previous message ni coins.ph.
Yep agree lalo na doon sa around average pa rin ang galawan ng funds year by year and di alarming.
Pero dun sa biglang big time ang transaction coming from a small average, it's a different story so dapat iyong mga users lang na ito iyong may biglaang additional verification.
Agree sa 2-3 hours kung para sa ikakaganda ng service.