Totoo yan. Hindi lahat nagchecheck.
Pero aminin natin na gamit na gamit na si Coins.ph pag dating sa bayaran ng bills.
Like me, 4 bills ang binabayaran ko buwan buwan.
Kailangan ko yung resibo nito, at yun at sa e-mail makukuha kaya dun ako nagchecheck.
Ang mga madadali naman thru e-mail phishing is yung mga nagbabayad ng bill. Meaning, may perang laman ang accounts nila.
Nakita ko yung isa pang notification na warning sa desktop mode ng coins.ph. nakahambalang agad siya sa lower right side ng screen kasi.
Sana lang wag na maulit to. I-trace agad nila pano ito nangyari. Baka mamaya inside job na.
Maganda rin kapag naka desktop mode, may ganyang feature pala honestly di ko alam yung ganyan. Kahit may mga perang laman yung mga accounts basta naka-on yung feature ng 2FA, walang dapat problemahin.
bro maiba ako, so pwedeng makakuha ng receipt sa mga bills na binabayadan pero need pang irequest o automatic na nasa email na yon? Yan lang kasi inaantay ko para makapag start din ako kahit papano ng bills payment ko kahit sa mga tropa ko lang dito atleast makakpag provide ako ng resibo.
Meron bro, automatic nasa email.
Ganito yung title niya sa email "We have successfully processed your bill payment".
Di yan ang ibig kong sabihin bro. Di ko rin pinapansin yang email na yan.
Ang ibig kong sabihin may email authorization by default kapag nag-login sa ibang device or much better IP. So kahit di man pala-check ng email, talagang mappwersa sila na mag-open ng email. Kinalkal ko na ang coins.ph settings pero walang option para idisable yan so meaning default yan.
Ang oo parang sa mga ibang wallets at exchanges din may ganyang feature, sana nga ilagay nila yung ganyan.