Pumangit laro ng Denver kasi parang 1st quarter na injured si Jamal Murray. Sayang yung taya ko sa kanyang 19+ points sa parlay ko, sa kanya lang ako nagmintis. Napaka unpredictable ng game 6 na yun di ko akalaing umabot ng 50+ yung lamang ng Wolves, akala ko magiging close game to. Mahaba pa oras sa 4th quarter pinasok na bench ng Nuggets. Bawi nalang sa Game 7 ata ang Nuggets pero sa tingin ko dikit na laban to.
Wala na rin kasing pag asa kaya pinasok nalang ang bench para hindi na ma injured mga starters ng Nuggets. Sabi ng iba, bigay daw yun para may game 7, hehe.. bahal sila, siguro talo yun sa punta. So game 7 na tayo, ang spread niyan ay -4.5 for Denver.
Saka meron rin tayong game 7 dahil nanalo ang Pacers kanina, sa game 7 naman -2.5 lang ang Knicks, tapos di pa sure if maglaro si Hart, may rumor daw na mag babalik si OG, tingnan nalang natin.
Bukas, Dallas vs OKC, nasa -3.5 and spread na Dallas, bahagyang bumaba, siguro close game ito bukas.
Nasa -1.5 na sa ngayon ang starting line ng Dallas eh, pero sa Dallas na ako dito, hindi na to papakawalan ni Luka. Ang nakakatakot dito eh pag pumutok si Kyrie at umiskor ng 30+ points para magdali sa Dallas sa Western conference finals.
Magaling ang OKC pero kulang pa sa experience to, si Chet at si Josh Giddey parang wala sa series na to hehehe. Parang may kabog pa sa dibdib at si SGA lang lang ang nagdadala talaga.
Nasa -3.5 pa rin bro. Kaka check ko lang sa bookie ko.
Totoo, si SGA lang talaga ang consistent sa team nila, saka sa center position, hindi maka porma si chet kasi ang nipis ng katawan, palitan lang si Lively and Gafford, kaya hirap talaga si Chet. Ang tanging pag asa lang talaga ng OKC dito is kung maganda ang outside shooting nila, which last game mababa ang percentage nila kahit home court nila. Ito, para sa akin mahihirapan sila kasi mataas ang pressure at since talo sila sa pisikalan, kaya malaki talaga ang chance ng Dallas na tapusin na ang series.
Hindi kasi kayang buhatin mag isa ni SGA talagang hirap sila sa Dallas dahil fresh legs yung mga nasa ilalim tapos si Luka sadyang napakatalino maglaro, kahit sabihin pa natin na mababa productions ni Kyrie ung respeto kasi sa depensa ang nahahatak nya kaya hirap yung OKC sa bantayan hindi nila alam kung saan manggagaling yung puntos ng Dallas samantalang sa kanila kay SGA talaga naka sentro kahit consistent kung wala naman talagang tutulong na maayos ayos talagang hindi nila matatalo ang Dallas, sayang tapos na sana tong series na to kung naipasok sana ni LUka ung crucial FT nun nakaraan at naipush sa OT malamang sa malamang hindi na makakaporma yung OKC dahil sa homecourt crowd.
Tama ka diyan kabayan, laking factor talaga na hindi lang sina Luka at Irving and umiiskor para sa team. Si PJ Washington talang 2 straight games yata yung 20+ points, at sa game 5 naman si Jone naman ang sumabog, samantalang sa OKC steady pa rin. Nangyayari si SGA vs the whole Dallas, which is mahihirapan talaga sila.
Siguro matatapos na ito today, hindi naman papayag ang Dallas na babalik pa sila sa OKC, mas maigi mag pahinga na sila para ready naman sa darating na WCF.
Isa na lang at sa tingin pahirapan na talaga sa OKC tong laban na to, kung sakali naman na maitabla pa nila magpapalit ng momentum at baka Dallas pa ang masilat kaya talagang magandang labanan ang mangyayari dito.
Sana wag nalang, hehe.. talo tayo diyan.