Nabuhayan ang Sixers hehehe, nagalit nga si Embiid kasi sa homecourt nila eh dominante ng mga fans ang crowd, biruin mo sariling homecourt nila eh ang chant kay Brunson eh MVP tapos ang daming New York Knicks fans.
Akala ng Knicks panalo na sila ngayon pero dinale sila ni Maxey kaya tahimik ang fans.
Malamang nga may game 7 to at baka makalusot ang Sixers.
May kasabihan sa NBA na kung sino mananalo sa game 5 ay kadalasan sila yong mananalo sa series hehe. Tingin ko ay kayang-kaya ng Sixers na talunin tong Knicks kasi wala si Randle eh at nasa kanila na ang momentum.
Fearless forecast ko magkakaroon ng game 7 tong series na to.
Same here, gusto ko talaga ang Sixers na mag advance sa 2nd round. Magaling din naman ang Knicks pero kulang sila sa depth, asa lang talaga sila kay Brunson, well, sana pangit ang performance in Brunson sa game 6. Bukas na pala ito, sa mga betting sites, -3 lang ang Sixers, parang gift naman yata ito.
Sa Dallas vs clippers nga pala kanina, ganda ng laban, mukhang papasok talaga ang Dallas sa 2nd round kasi complete lock down ginawa nila kay PG and Harden, so abang abang nalang ang OKC kung Dallas makakaharap nila.
Homecourt na ng Sixers, -2.5 sa Sixers, hindi na masama @1.83.
Although duda ako sa spread ng Sixers pero sige na kasi kailangan nilang manalo dito.
Game 7 para more betting, and ma enjoy pa tayo. Kung titingnan talaga natin, mukhang lahat ng bettors ay dito sa Sixers, kaya di ko muna itotodo ang pusta ko dito, mas gusto ko pa ang -8 ng Pacers.
Ganda talaga ng series ng Mavs at Clippers, kung ano ang kinaganda ng laro ni Paul George at Harden nung nakaraan, ngayon hindi sila pinaporma ng Dallas.
Game 6 nalang siguro ito. Dalawang beses ng natalo ng Mavs ang Clippers sa homecourt nila, kaya dito naman sa homecourt ng Mavs dapat makuha nila ito ng maka pag rest kahit konte kasi fresh na fresh yung makakatapat nila, mga bata pa rin.
At katulad ng inaasahan, kinuha na ng Boston ang series 4-1 laban sa Miami Heat at ganun ulit ang score, tambak ang Heat.
Tambak malala, tsamba lang talaga yung game 2 na panalo nila.