Yan ay ilan lamang sa mga challenges na kailangang malampasan ng bagong head coach ng Lakers na si Darvin Ham at malay natin, meron na pala syang naiisip na magandang gameplay na sa tingin nya ay effective para mag synch lahat ng players ngayong season. At ito pa nga, nakabalik ulit si Schroder sa Lakers at palagay ko ay mas gagamitin sya bilang defense dahil andyan narin sina Patrick Beverley, LBJ at AD na syang mamumuno pagdating sa offensive.
Kung magiging maayos ang relasyon ni Lebron at coach Ham na dapat naman talaga eh ganun ang mangyari kasi nga si LeBron and nagkaimplwensya para mapalitan si coach Vogel at ipalit itong si coach Ham, tingin ko naman din makakapalag naman kung kayang makapag reserve ng lakas nitong limangs stars na to sa final quarter, ang susi kasi ng pagkapanalo eh yung final minutes ng game dun magkakapukpukan at kung makakasabay pa sila malamang na mananalo sila.
Malakas na yang starting five na yan, pero baka sa tingin ko magiging 6th man either is Bev or Westbrook. Para pag pasok ng kahit sino sa kanila, ganun padin ang intensity ng buong squad.
Si Lebron malakas pa naman kahit sa edad nya, kaya pa nyan mag 30+ minutes per game. Si Davis ang kabahan ang Lakers fan kasi nga prone to injury.
Sa trade naman eh, marami naman din benefits kung hanggang all star ang palitan ng player. Tingnan mo nangyari sa Boston last season, up to the last minute nag trade sila hanggang makuha ang tamang chemistry.
Sabagay, kung tutuusin madami daming games pa ang pagsasamhan ng mga players na to at makikita nila kung paano sila makakapag synch sa isat isa, or baka nga wala ng mangyaring trade or big trades at dagdagan na lang nila ng rrole players itong mga current stars nila para makaulong sa kampanya nila.