Haynes: Dereck Lively II out for Mavericks vs. Wolves in Game 4 with Neck Injury
Ano sa tingin ninyo ang nangyari, sinadya kaya ito ni KAT, or unintentional lang?
Para bukas naman, kahit walang Lively, tingin ko tatapusin na ng Dallas ang series para maka pag handa na rin sila sa Celtics, 4-0 same sa East.
Luka at Irving pa rin magdadala nito, saka Gafford meron naman katulong although hindi lang masyadong scorer.
Malaking bagay sa kanila kung wala si Lively, kasi itong series na to eh ang ganda ng pinakita nitong rookie na to. Alley oop, easy 2 points at walang magawa ang big men the Wolves. Ang good news sa Dallas eh babalik si Maxi Kleber sa lineup, so may big men naman mapalit at may tira pa sa labas is Kleber.
Ako rin sa silip ko baka Dallas narin to, biglang tahimik ang trash talking na si ANT kasi mali ang tinarantado nya hehehe, si Irving pa naman kaya ayun pinagod sya kakahabol at parang hirap sya umiskor sa series na to ang bagsak ang average nya. Same din kay KAT, sama ng shooting nya sa tres, although may tira naman to kaya lang sa series na to alat sya.
At ayun na nga, nagawa pa ng Minnesota na makaisa. Iba rin pala talaga pag meron si Lively. Dami pa naman iimprove si Lively pero patok siya laban sa Minnesota na merong twin towers. Tsaka ang alat rin ni Luka. Sa pagka-alala ko ay talo parati ang Dallas pag mag below 40% ang FG ni Luka at nangyari na naman. Akala ko nakawin ulit ng Dallas ang laro sa huling few minutes pero wala. Minalas rin talaga ang Dallas, daming good shots na ayaw pumasok samantalang second quarter pa lang ay foul trouble na sana ang tatlong superstars ng Minnesota.
Better luck next time nalang sa Dallas, hehe... Pangit ng laro ni Kyrie, saka iba talaga pag merong lively kasi hindi masyadong pagod si Gafford. Sayang ang chance, foul trouble pa naman mga big men ng Wolves pero ganda rin kasi ang shooting ni ANT saka si KAT nagpakawala ng 3 point shots na pumapasok naman.. Para talaga sa Wolves yun, pero sa game 5 mga kabayan, Dallas pa rin ako, moneyline .
Spread ngayon, +5.5 ang Dallas, kaya magandang tayaan sa moneyline.
Game 5 na at underdog yung Mavs mukhang maganda yang plano mo kabayan kasi kung sakaling tapusin na ng Mavs yung series medyo malaki laki yung odds mo dyan sa ML na yan!