Oo foul talaga yung kay PJ Washington kabayan. 3 point game na lang sana yun at 50 seconds pa ang timer. Hindi lang talaga sa spreads dahil possible overtime or manalo pa Dallas dahil mahaba pa time nun.
Hirap Dallas dahil palaging nakadepende si Luka. Kahit gaano kahigpit depensa kay Luka ay given pa rin talaga na hirap siyang pigilan kaso talo pa rin kung siya lang ang tanging magperform sa koponan nila. Kalat lang naman ang hatid ni Kyrie, mas lalo pang masira set up pag nakay Kyrie ang bola. Mas prefer ko pa si Luka na parati mag set up dahil mas magaling siya mag assist at mas mataas ang FG%.
Ito yung isa sa nagpapangit nung game na yun kasi kahit hindi naman tayo player kahit papano nakakaunawa din naman tayo, sa palagay ko naman kung walang nangyaring tulak eh hindi magbabago yung attempt na dunk ni Washington, kaya lang yun inabot na ni White eh kasi wala na yung balance dahil dun sa tulak ni Brown, at masama lang kasi dun eh talagang crucial yung play na yun, gaya nga ng sinabi mo kung naipasok yun or kahit FT na lang medyo maiiba yun at malamang sa malamang baka mag choke yung Boston or baka mag OT yun hindi talaga natin masasabi pero dahil tapos na yung game yung mga expert opinion ng mga fans eh balewala na yun lahat, ang kailangan na lang eh mag move on at magbakasakali sa susunod na game kung anong mangyayari.
Oo nga sayang eh, yun talalga inal mahan ng mga fans ng Dallas, nakikita ko mga video non sa social media. Pero kahit napasok yun, mahihirapan pa rin siguro ang Dallas kasi nasa Boston pa rin ang lamang. Ika nga, bawi nalang next game, and since game 3 at sa Dallas na, sana pabor na naman sa kanila ang mga tawag ng referees. Tingin ko, gagawin tong seris na to na exciting, 2-2 after game 4, di ba mas maganda?hehe..
Sinong nag early bet sa Dallas para sa game 3?
Update lang sa series odds mga kabayan, x7 na ang Dallas, pwede kaya?
Bale realistic at makatutohanan lang naman kasi yun na meron foul nangyari. Ako nga Boston ako eh. Gusto ko 4-0 para pati yung contest ni maslate saken mapunta.
Anyways, nasa inyo kabayan. Ramdam ko halos lahat dito Dallas eh. Ako naman susugal mamaya para sa Boston. Need rin nila badly manalo para hindi makagawa ng momentum Dallas. Para kung manalo sa g3 ay kahit manalo pa Dallas sa g4 ay parang okay pa rin dahil malabo na magkaroon ng upset sa series na ito.
Key pa rin ng Boston dito defense at prioirity pa rin to shutdown Kyrie. Bahala na sila mag 50 puntos pero olats pa rin sigurado pag walang ibang team mate na mag step up at si Kyrie dapat yun.