Dallas ako sa game na to, mag risk na ako sa -3.5 at nasa 2.00 pa. Tingin ko pipilitin ng Dallas na manalo rito at nakikita ko na si Luka at si Kyrie ang gagawa ng malaking score baka tig 30+ plus sila ngayon game para maiwasan ang 3-0.
Pag nanalo eh baka magka momentum pa ang makuha ang game 4 para sa tabla.
At may balitang wala is KP kaya malaking bagay to sa Dallas at dapat maka puntos din ng mga alley oop kay Lively at Gafford.
Talo tayo kabayan, 3-0 na. Sayang yung 3rd quarter ng Dallas, hindi sila umiskor ng maayos, saka sa 4th quarter big run sana na baba sa 3 points nalang ang lead ng Celtics pero malas lang kasi na fouled out si Luka. Game 4, mukhang wala ng gana yan, di na muna ako pupusta kasi 50/50 na yan.
Malas rin yung over ko, dallas 108.5, kung maganda sana scoring nila sa 3rd, easy win yun. hehe.
Congrats sa nakataya sa Kabila. pangit finals ngayon.
Oo nga, maganda naman ang skoran ng dalawa kaya lang wala talagang suporta, si Lively at PJ Washington lang si Gafford sana kahit double digit sa scoring pero ewan ko matamlay.
Nawala yung mga contributions nila sa WCF. Sayang, sila pa naman nagdadala ng energy kasi napaka effective ng lob passes sa kanila.
3rd quarter sila natambakan eh, nagpumilit humabol naman pero kinapos. Akala ko direcho na yung maganda nilang pakita nung 1st quarter pero daming binato ni Luka na sumablay.
Di masyadong mahigpit defense ng Dallas, kung mas aggressive pa sana para hindi mapabayaan ang 3 point area, hindi sana ganon nag run. Kaso pag mainit na ang celtics sa 3 points, tuloy tuloy na yun eh, at yun nga nangyari sa game 3.
Sabi nga ni Joel Embiid sa tweet nila, binigay ng Bucks ang championship sa Boston nung ni trade nila si Holiday para makuha lang si Lillard. Ngayon si Holiday magiging 2x champion na hehehehe.
Iba rin kasi ang Holiday..Si Butler lang ang hindi kinaya nito, pero magaling talaga sa defense at hindi buwaya kaya maganda ang team work nila.
better luck next time nalang sa Bucks, pero baka hindi nga mag work tandem nila Giannis and Lillard.