Sa pagkakaalala ko nga eh dalawang beses na ako nagsend ng ticket sa kanila dito sa issue na ito pero wala naman silang response, sa tingin ko mukang pinostpone muna nila ung pagayos ng mga accounts sa Gcrypto, Akala ko dati allowed na ang lahat ng users sa gcrypto pero hindi pa pala pinaupdate lang saken ang details ko pero hindi ko pa rin naman nagagamit.
Gusto ko din sanang maginvest din Dollar Cost average sa Gcash kahit papano dagdag din sa investment ko hindi masyadong malaki ang ilalagay ko pero para lang may Gcrypto rin ako sa Gcash hindi lang sa Bitcoin wallets.
Stay positive lang. Marami pa din naman ang naghihintay na magkaroon sila ng Gcrypto sa services nila inside the Gcash application, kaso talagang parang pili na users palang ang mayroon at gumagana. Maybe sa mga susunod na updates nila magiging maayos na lahat.
Anyway nag-check ako sa mismong website ni Gcash at tiningnan ko yung steps nila sa pagregister sa Gcrypto. Napansin ko lang kahit doon sa provided steps nila wala naman selfie verification and ID verification.
Parehas lang nung pinagdaanan ko na steps na diretso na sa filling up ng personal information, investment experience, and financial goals. So malamang nga marami pa silang aayusin dahil kapag sa ganyang steps ka lang dumaan, the normal way, maaring ma-stuck ka the next time open mo ulit yung service.
https://www.gcash.com/services/gcryptoYung Step 1 ay opening the Grypto service, yung Step 6 which is the final step is to agree with the terms and conditions.
So dapat nga lahat ng fully verified users hindi na ulit dadaan sa pagpasa ulit ng ID at selfie. Covered na dapat lahat nung pagiging fully verified user mo at hindi kada service nila ay magpapasa tayo ulit ng mga sensitive information.