May verification ba ang sa iyo?
Sa akin, wala naman silang hinihingi eh, hindi ko lang alam kung selected user ako ng Gcash para magkaroon ng early access sa Gcrypto. Noong nakita ko ang Gcrypto sa aking dashboard at kini-click ko ay diretso naman siya at wala naman problema, marahil siguro ay medyo matagal na akong gumagamit ng Gcash.
Matanong lang kita if you don't mind, lampas 21 years old ka na ba? Kasi baka yon ang dahilan kaya hindi mo pa magamit yong ibang features ng Gcash kagaya ng Gcrypto at mga sportsbetting features nila.
Sa akin din walang hiningi na verification pero yung about financial questions meron, parehas nung mga tanong sa G.Invest and other services nila na may kinalaman sa kaperahan. Sa misis ko meron daw, nag selfie pa at nagsend ng ID, sa akin wala.
Pero dahil diyan may chance na magkaproblema ka upon deposit mo ng cryptocurrency sa GCrypto which is nangyari sa akin kahapon lamang.
Ganto ang naging pangyayari at sana makatulong sa iba na makakaranas din ng same issue.
May 27 - Open ko GCrypto - No verification process.
May 28 7AM - Nakapasok ako at nakopya ang receiving address ni Bitcoin (Native SegWit ginamit ko)
May 28 8AM- Nagsend ako ng BTC worth 1k PHP lang for trial from my Mycelium account.
May 28 10AM - Fully Confirmed according to Mycelium account.
May 28 11AM - Hindi ko na mabuksan ang GCrypto, whitescreen lang. Ayaw lumabas ng initializing. Tried restarting my internet, tried data connection, tried restarting my phone but nothing works. Mga 2 hours din ako naghanap ng solution sa iba't ibang paraan. i.e. Youtube, Google, and Asking Gigi in help center, wala lahat.
May 28 2PM - Kabado na, I decided to uninstall the application. Sabi ni misis try ko daw gamitin yung application niya dahil nagana sa kanya Gcrypto so I am sure hindi maintenance. Wag daw ako kuha kay playstore.
Pag-open ko ng fresh application, Voila! nag-selfie verification sa start, then pag open ko GCrypto gumana na siya. Naibenta ko din ng mabilis sa PHP yung Bitcoin na sinend ko.
Para ito dun sa mga stuck sa whitescreen kasi namiss natin yung verification process sa start. Sana makatulong.
Kung walang friend na makuhaan ng Gcash application na nagana ang Gcrypto, try niyo yung sa Playstore. Ayaw ko na i-risk dahil baka mawala ulit so I am not sure yet kung gagana yun.