I am actually one of those people na sobrang nag lolook forward dito sa implementation ni GCash ng GCrypto. Gaya nga ng sabi nila, mas magiging accessible ito sa lahat ng tao given na halos lahat din ngayon gumagamit at may GCash application sa kanilang mobile phones. Not to mention, this will definitely garner more people in the crypto space which is a long-term advantage for all.
Pero for a 5% transaction fee, sobrang bigat nito especially if you are someone who transacts using high amounts of cryptocurrencies. I guess, medyo catered ito towards the newbies na bago lang sa space na to.
Though ito nga yung situation, it is nice na at least may alternative tayo na wallet. Hindi na lang si coins.ph ang main wallet na pwede nating gamitin for transactions, given na napaka stringent ng rules nila doon.
Sinubukan kong icompute kung magkano ang fee ng coins.ph. Nagbase ako sa current price ng coingecko at current conversion price ng coins.ph at lumalabas na nasa around 1-2% lang difference. Hindi ko alam kung ganito ang computation pero if may nakakaalam man ng transaction fees sa coins.ph, pwedeng ishare niyo rito.
5% transaction fee? Paano na lang kung malaking amount ang gagamitin mo pambili ng Crypto. Halimbawa, nag-invest si Pedro ng 100,000 PHP gamit ang gCrypto, may kaltas na kaagad na 5,000 PHP yun at gaya nga ng sinabi mo napakabigat niyan lalo na sa mga gusto talagang mag invest sa crypto. May access nga sila dahil maraming gumagamit ng Gcash pero ang tanong, afford ba nila yung ganun kalaking transaction fees.
Kakalabas pa naman ng feature na iyan at panigurado, magkakaroon pa yan ng mga adjustments sa hinaharap depende sa experiences at feedbacks ng gumamit ng gCrypto feature nila.
Ayoko pa ring mag-store ng Crypto sa isang non-custodial wallet.
Wala pa akong experience ng nascam or anything na related sa nangyari sa FTX pero for safety purposes na lang rin siguro para sa akin na mas ok i-store ang crypto sa isang custodial wallet.
I think baligtad dapat
Salamat sa pag-correct dun. Custodial wallet pala namali ako
. Kung hindi nag-notif sa Telegram Bot, hindi ko malalaman na baliktad yung sinabi ko