Fully verified din naman ako pero wala namang process sa akin na mag verify ulit sa gcrypto, anong taon ka naging fully verified? Baka meron lang silang timeframe sa mga user lalo na sa mga old ones. Sa app ka rin lang ba nag verified?
Matagal na akong fully verified sa kanila sila siguro mga 2019 pa.
Wala pa siyang deposit features kaya yung mga customizable na fees at network fees, wala.
Sigurado ka ba kabayan? May nakikita kasi akong "
send and receive buttons" or ang ibig mong sabihin walang nangyayari pag pinipindot mo sila?
Mali ako dito kabayan, di ko pa kasi siya tinest nung nag reply ako dito sa thread. Ngayon nakabili ako at nagpo-provide si gcrypto ng crypto address para sa mga gusto mag receive at ganun din sa mga gusto magsend, pwede magsend. Para sa btc ang minimum to send ay 0.005
BTC at ang maximum to send ay 0.3
BTC at ang fixed network fee ay 0.001
BTC. Masyadong mataas. Ang wala lang pala dito ay yung private keys.
Magchecheck sana ako ngayon baka nag update na sila nung mga client na bibigyan nila ng access since fully verified din ako sa gcash
problema lang mukhang may update sila ngayon.
Subukan ko na lang ulit tignan bukas baka okay na yung updating and baka sakaling makasingit din sa pinapayagan ng gumamit ng gcrypto.
Try mo lang ulit, kasi yung sa misis ko coming soon lang din nakalagay pero sa akin, pinalad na pwede akong gumamit at nagtry na din ako bumili bilang test.