Sa kabilang banda, naging malaki naman na ang pagtanggap natin sa mga cashless transaction. Sa katanuyan, nito lamang pandemic ay gumamit ang ating gobyerno ng ewallet para magbahagi ng tulong sa mga mamamayan. At sa aking palagay, ito ay magandang paraan para mamulat ang mga pilipino na tangkilin at makilala pa ang cashless transaction. Dahil kung hindi man nila ito matutunan sa pang araw-araw o kung hindi man ito nila naeengkwentro sa kanilang pamumuhay ay marahil mahihirapan sila na makasabay sa patuloy na pagbabago sa ating teknolohiya. Kaya't mabuti na i-expose at sila na mismo ang makagamit nito para malaman nila ang magandang dulot ng paggamit ng cashless transaction. Sa ganong paraan, sa tingin ko ay maaaring magkaron tayo ng mas malaking hakbang patungo sa pagiging "Cashless Society".
Oo nagamit na pang-hatid tulong sa mga tao ang mga e-wallet pero hindi pa rin sapat yon na stepping stone para maging cashless society ang ating bansa. Ang aking naiisip kasi pag sinabing cashless society, most of the transactions talagang digital na, even sa conveniencece stores. Pero naniniwala naman ako na posible mangyare na majority ng transaction is digital, palawakin lang ang kaalaman ng mga tao about sa advancement of technology. Karamihan sa atin ay marunong lang gumamit ng mga applications which have user-friendly UI, kaya madaling maintindihan kaya hindi ibig sabihin non ay experienced na sila sa paggamit ng makabagong teknolohiya.
Ang isa ko pang concern dito ay ang bilis ng ating internet sa ating bansa pero mukhang masosolusyunan na kasi may dalawang bagong dadating na ISP dito sa ating bansa and hoping na magkaroo ng isang magandang kompetensya para naman mag-improve at mag-develop ang service nung 2 existing ISP ngayon. Kaya sa tingin ko, marami pang kakailangan at hindi pa sapat ang mga nabanggit as stepping stone sa pagiging cashless society. Pero hoping na mangyari siya asap, madalas kong gamitin ang ewallets and online banking, less hassle din kasi sa transaction like paying bills and transferring money unlike dati na need mo pa pumunta sa remittance center to claim the money.