Probably these days, option padin ang cashless payment, but nakikita ko, dahil sa sitwasyon natin sa krisis ng COVID, dumadami ang tumatangkilik sa online payments gaya ng master cards, pay pal, cryptocurrency at iba pa.
Nakadepende siguro sa environment, kase sa nakikita ko sa feed ko mas patok ang digital payments kumpara sa cryptocurrency, bibihira ka lang makakita ng merchants na tumatanggap ng crypto sa panahon ngayong mas naging factor ang hindi kasiguraduhan sa pera, sobrang limited lang kase ngayon isa pa nabawasan ang income ng mga tao.
But kung papansinin, yung age ng mga pilipinong gumagamit nito ay yung mga millenials, wala akong graph or statistics since based lang ito sa opinion ko. Karagdagan pa from experience, meron akong kamag anak na sinubukan kong alukin ng digital payment option gaya ng gcash at coins dahil madalas na hinuhugasan niya pa yung mga salapi niya, tama nga naman yung reason nya which is hindi acceptable sa palengke ang gcash kaya ayaw niya. Siguro maiging pagtuunan ng pansin na paigtingin yung paggamit ng cashless transactions sa mga pamilihan para maengganyo ang mga mamimili.
Sa amin mas patok ang gcash at paymaya, marami ngang tindahan dito na gamit na ang gcash at paymaya sa pagloload, sigurado akong dahil yon sa rebate na inooffer ng mga ito at idagdag mo pa yung tubo nila. Share ko lang yung palengke dito sa Valenzuela, pwede ka magbayad through paymay kase powered na ito ng paymaya you can just scan and pay so you can get 1 kilo of bangus hehe