Na-intriga ako nung nakita ko yung
thread na ginawa ni crzy dito sa local board about kung pwede na daw ba maging cashless society ang Pilipinas dahil na din marami na ang "online sellers and buyers" sa Pilipinas. Bakit ako na-intriga? Kasi alam ko na yung sagot dito na hindi pa ready ang bansa natin i-give up ang cash transactions in favor of electronic ones kahit na may pandemic tayong kinakaharap being a cashless society isn't really a solution here either. Originally dapat gagawing kong post lang ito sa thread ni crzy but nakita ko masyado akong madaming puntos na gagawin at mahaba ito para maging isang post lang kaya ginawaan ko ito ng sariling thread.
1. 52.8 Million (77%) Adult Filipinos are Still UnbankedAs of the latest
Financial Inclusion Survey na ginawang ng Bangko Sentral ng Pilipinas nuong 2017, 77% o 52.8 million na Filipino adults ay wala pa ding bank accounts. How can we be a cashless society if karamihan pa sa populasyon natin ay walang formal bank account? The success of being a cashless society ay talagang naka-depende ba talaga kung handa na ang sarili nating populasyon na maging digital yung mga payments natin, kung karamihan pa sa populasyon natin ang unbanked o yung mga taong wala man lang bank account will you say we are ready for a cashless system? I personally don't think so the learning curve for people who are unaware of digital payments will be very steep for them, hindi ako nandito para laitin sila pero hindi naman nila kasalanan kung bakit hindi pa sila ready sa ganitong sistema lalong lalo na kung biglaan at hindi necessary yung pag-babago
How about the Rural Areas of the Philippines?
Ang mga Filipino na nakatira sa mga rural regions ng Pilipinas na may bank account lang ay 5.1% ng populasyon. Kung ang pinag-uusapan natin rural areas ng bansa ito ay ang tinitirahan ng mga Filipino na ang trabaho ay magsasaka, mangingisda, o magbubukid? Kung limang porsyento lang ng Filipino sa Rural regions ng Pilipinas ay may bank account how do you expect them to transition on a cashless society? Nakasama na ako sa madaming outreach programs sa mga rural areas ng Luzon if i-abot mo sakanila yung mga laptop, camera, o cellphone mo most of them will be clueless kung paano ito mapagana kahit sa teenager mo pa ito i-abot ay clueless pa din sila kung paano gamitin, yung mga cellphone nila ay hindi yung mga colored display pero similar sa Nokia 3210 na basic lang ang cellphone, if magiging cashless society tayo sila ang pinaka-mahihirapan mag-adjust.
2. "Cash is Still King" According to BSP Based on the Payment Methods Preferred by FilipinosCash is still king as 64% of Filipino adults whodid not use their accounts for payments cited that they still prefer cash in paying while 20% said that they are not aware that they could pay electronically using their account.
With the results of the research BSP was able to show kung bakit ang Philippine Peso pa din ang ginagamit ng mga Pinoy sa kanilang mga bayarin.
- Purchases of Goods - 78% of Filipinos opt out in paying cash on the purchases of goods. 62% paid cash directly to merchants (Over-the-counter Payments) while 16% payed via Cash-on-delivery (COD)
- Payments for Utility Bills - 69% of Filipinos still pays cash for their Utility Bills (Water, Electricity, Rentals). 57% paid cash directly to the utility companies while 12% paid cash using Bayad Centers
- Payment of Loans - 79% of Filipinos paid in cash for their loan payments.
With the majority of the population still paying in cash dito niyo makikita na hindi pa ready ang Pilipinas sa suddent adoption ng mga cashless methods. Ang mahalagang i-note dito is 20% lang ng populasyon ang hindi nakaka-alam/aware na may mga alternative payments aside from OTC payments at COD but sa majority ng populasyon ay talagang preferred nila ang pag-bayad gamit ang pera. Even if may convenient way of paying sa bills, goods, at services makikita mo na ang mga Filipino ay talagang gustong gamitin ang pera nila sa pag-bayad, dahil nasa majority pa din ng Filipino ang nag-babayad sa cash sa tingin ko it is safe to say that we aren't ready to adopt cashless payments as the preferred choice sa Pilipinas.
cryzy pointed out na dumadami na ng mga "online sellers at buyer" natin dito sa Pilipinas well this data just show that even if sumisikat na ang online selling sa Pilipinas ang mga buyer pa din ay cash ang preferred nilang mode of payment. I personally prefer cash payments via COD kung ako ay may bibilihin sa Shopee or Lazada because based on my personal experience lahat ng online shops na may "pay first before deliver" na rule ay most likely scam or may defect yung item nila. Yung pinaka recent na experience ko dito is nung bumili ako ng disposable mask worth 1200₱ at napilitan ako magbayad through Dragonpay (BTC payment) after two days behind ng expected delivery ay dun na dumami nag-sabi na scammer yung seller at hindi dumating yung delivery nila buti nalang nakuha ko pa ulit yung bayad ko dahil yung bayad ay hawak pa rin ng E-commerce website na pinagbilihan ko.
3. Roughly a Third of the Population are Aware of What (Particular) E-Payments (PayMaya, GCash, Coins.ph) AreOnly a third of the population ay may alam kung ano talaga ang e-payments and ang nakakabahala sa numero na ito is yung mga na-una na E-payment services which is PayMaya at GCash, yung dalawang ito ay galing sa ating mga telco providers ang PayMaya ay galing sa Smart Communications at ang GCash ay galing sa Globe Telecommunication. Sa tingin ko yung numero ng E-payment awareness sa Pilipinas ay mas mababa pa kung hindi lang linakasan ng Globe at Smart yung marketing and promotion nila for GCash at PayMaya, repectively. Dahil kung hindi sa marketing at advertising nila sa E-payments nila makikita mo naman yung kompetisyon nila na kung saan nasa 2 to 6% lang ang aware sa E-payment service nila.
Keep in mind na yung numero na ito is E-payment "Awareness" lang hindi ito nag-rereflect sa tunay na dami ng users ng isang E-payment service sa Pilipinas, pero it safe to say na yung numero ng user is mas mababa kumpara sa aware ng serbisyo nila. Ano masasabi nito kung ready na ba talaga tayo sa cashless society? If kakaunti lang ang tao na aware sa e-payment services it only means na hindi pa tayo handa na maging cashless society, tandaan sa number 2 makikita niyo na cash payments pa din ang preferred ng mga Filipino this also excludes credit/debit card payments as well na kaunti lang din na gumagamit na Filipino sa kanilang mga payment transactions.
Not until we see a considerable improvement sa mga numero na ito I don't expect na merong need i-push ng gobyerno na maging cashless society tayo. Bukod sa ang cash ang pinapaboran sa bansa kasalukukuyan hindi rin tayo technologically inclined lalong lalo na sa mga rural areas ng bansa kaya mahihirapan tayo mag-adjust. Sa ngayon wala na tayong magagawa as an individual hindi natin sila pwedeng i-push sa isang payment method na kahit sila mismo ay ayaw gamitin, this kind of adoption will be heavily dependent towards the modernization of our country. If kaya ng sumabay ng mga Filipino sa ibang lugar in terms of being technologically literate sa tingin ko ito yung tamang panahon na handa na tayo maging cashless society.