Masarap at magandang makita yan na yung naturuan mo e nagkaroon ng break sa industry, sana lang hindi ka nakalimutan meron kasing ganyan na after nilang matuto wala na tablado ka na, hindi man tayo humihingi ng tangible na tulong nila simpleng sharing lang din kung paano sila kumikita oks na.
Lahat naman tayo gusto natin tumulong ng walang kapalit, pero pangit din naman yong after maturuan mo sila hindi ka na nila kilala, dapat matuto talagang mag share ng ideas. So far naman kung sino yong mga naturuan ko dati, sila pa din yong mga kasama ko until now, and kasa kasama sa mga projects, lagi namin sinasali ang isa't isa.
Normal talaga sa isang tao ang tumanaw ng utang na loob sa nagturo pero di ba dapat hindi tayo naghihintay ng kahit anong kapalit kapag tumulong tayo. May mga tao talagang nakakalimot sa mga tumulong sa kanila but for the person na nakatulong, maging masaya tayo dahil naging successful yung tinuruan natin kahit hindi na tayo pinapansin, mission success 'ika nga.
Marami rin akong napagsharean tungkol sa cryptocurrency, marami sa kanila kumita, marami naman minalas at napasama sa mga scam projects. Pero anu't ano pa man ang naging resulta kuntento na ako at least nabigyan ko sila ng option at kaalaman kung paano kumita sa internet. Nasa sa kanila na kung paano magpapalawak ng kaalaman.