Sobrang dami mo palang scam na nadaanan simula pa mmm,
oo, kaya nga ako natuto
pero dahil sa mmm natutunan kong mag bitcoin. although hindi ko yun first ecounter sa btc kasi nakikita ko na yung btc dati sa pirate bay. di ko pa lang maunawaan that time. hinihingi nilang donation is btc then may qr code na sa site nila para pag scan, wallet address na nila ang lilitaw.
Naalala ko kahit yung hashocean since isa din ako sa victim nun LOL. Yun yung last time na nascam ako ng medyo malaki at sa tingin ko pinaka pinag sisisihan kong na scam ako kaya sobrang memorable. Coins.ph din gamit kong wallet that time and obvious na hindi pa sila masyadong strict nun.
same, coins din ang receiving wallet ko ng funds sa hashocean. pati mmm dun din. di nga sila strict pwera na lang talaga pag lumampas ng konti yung incoming btc mo ng 400k equivalent. mura pa nga btc that time di ba? parang 2015 naging 8k pesos lang ang 1 btc. then kapag mag cash in ka sa bdo, may cash back kang 40 pesos. and back then pwede kang mag transact ng more than 400k a month. basta ang daily mo lang is up to 400k. nag initiate na lang sila ng verification via video interview nung 2016 eh, i think dala din ng mmm dahil ang daming guide na na-flag ang account dahil sa suspicious activity.
About binance p2p, If maingat ka naman and alam mo ginagawa mo ehh hindi ka naman ma sscam kasi pwede mo i contest yung transaction for a certain amount of time pag nag ka problema or may nag attempt, Kaso minsan may mga pabaya lang kasi kaya naiisahan sila ng scammers.
yup, lam ko na ngaon. nung first time ko mag p2p 2020 nun kaya di ko pa alam gagawin ko. wala naman akong coach haha. natututo ako mag isa. natuto via experience and kaka basa. hehe. tska di ko mahanap ang support dun! sa ibang exchange ang dali pero ngayon alam ko na. pero ninenerbyos pa rin ako. lol. dahil na rin siguro may kalakihan ang transactions ko. yung dalawang transactions na nawala sakin, pinabayaan ko nga. charge to experience. pero pinagdarasal ko pa rin talaga na pwede na mag direct bank transfer from binance to ph bank. may nabasa ako pero di ko na tanda kung saan ko nakita na pwede na mag withdraw to ph bank from binance? sa bitpinas ko yata nabasa...?
Buti nga di ka na flag sa big transactions mo sa coins.ph kasi alam ko maraming na faflag lalo na pag above 400k annually yung transaction amounts nila.
di naman. madalas nga akong mag transact ng ganung amount eh. kaya nga pati mga tyahin ko sumama para lang makapag transfer sila ng funds ng madali. coins n coinbase ginamit nila. siguro kaya walang suspicious activity sakin, dahil siguro ginagamit ko din yung platform para bills payments. wala pang bills payments sina gcash pero nauna na ang coins. lately lang ako binabaan ng limits eh. tapos ayun nga dahil may violation daw. so hinala ko yung activity ng mmm, hashocean na sinaunang activity pa. never naman akong nag gambling. so yun lang talaga ang suspetya ko.
Kadalasan ay re KYC sa coins ph and minsan is binababaan nila yung limit mo which is kabaliktaran ng dapat mangyari kasi it shows na nasakanila ang tiwala mo tapos bibigyan ka nila ng reason kung bakit hindi mo sila dapat gamitin.
true. ayaw nilang may magtiwala pa sa kanila lalo na ang mga legacy users nila. funny sila nu.