Anyway, siguro lahat naman tayo ngkaron ng experience na ma scam o malugi nung nag invest tayo sa crypto nung tayo ay baguhan pa. Pero maganda naman ang naging dulot nito kasi naging aware tayo sa mga dapat gawin. Sa mga newbies ngayon, wag magmadali at palaging mag research para malaman kung ano ba ang dapat isa alang-alang bago mag invest.
Ang problema din kasi sa iba hindi nila alam kung pano maidentify yung sinasabi sa youtube ay totoo ba o hindi. Kung minsan din kasi yung iba pinagbabatayan nila yung bilang ng subscribers ng content creator or kilala yung name sa social media platform.
Yung iba pa nga misleading yung ginagawa habang nagpapaliwanag sa kanilang sinasabi na may halong panghahype pa sa mga viewers. bilang lang sa daliri ko talaga yung masasabi ko na youtibe channel na pinoy ang merong sense yung sinasabi kahit papaano.
Mas mabuti talaga na hindi lamang isa o dalawa ang titignan mo kapag nag research ka tungkol sa isang proyekto, kailangan mo din tignan ang lahat ng bagay. Hindi basta basta ang pagpasok sa crypto, walang hulaan, hindi pwede na magpapaakit ka lang sa sinasabi ng iba at lalong hindi pwede na iba ang mag dedesisyon sa kung saan mo ilalagay ang pera mo.
At ang totoo, hindi naman research ang ginagawa mo sa youtube. Una hindi yun sapat para mas matutunan mo kung ano ba talaga meron sa project at ang purpose noon. Pangalawa, kung nasa Youtube ka, baka gusto mo lang talaga ma engganyo sa pinapanuon mo. Dahil alam mo naman, mga solid marketers and educ coach at brokers ngayon. Sa mga sikat na influencers, sa likes naman sila kumikita at affiliation, at hindi sa coin na iniendorse nila. Kaya kung sa kanila palang nakikita mo na walang use ang isang coin, then may dahilan kana rin para hindi tangkilikin yung project na iyon.
Kadalasan kasi sa mga baguhan, hahanap muna yan ng mga opinions na may presentation na video, may comments, may tutorial which is makikita mo talaga sa Youtube. Pwede naman to itake as 2nd opinion pero never rely on them kasi opinion nga eh, di siya talaga based on facts. Kung mag fofollow man kayo sa mga influencers, for sure may makikita kayo na di naman gaano kasikat which is I really recommend, kasi wala pa silang mga advertisement sht or ineendorse plus focused talaga sila sa informative knowledge. Still do your own research mga lods, never rely on Youtube, madaming options na pwede mong makita for reliable soruces kahit dito sa forum, just search it lalabas agad yan. Kaya yun nga kinaganda netong forum kahit mga taon na nakalipas na thread, nakakatulong pa rin nowadays.