Madalas may tinatawag na swerte pagdating sa crypto pero paalala ko lang sa mga bago at nagbabalak maginvest sa crypto huwag manghula or magrisk ng basta basta.
Bakit ko nga ba ito nasabi siguro hindi na ito bago sa mga matagal na sa crypto at maaring nuong nagsstart palang ang iba nating mga veterans na ngaun, (sa crypto ah hindi matanda hehe) maaring naghula hula din sila sa start , ako man ay guilty rin dito subalit sana huwag na itong gawin ng mga bagong papasok sa crypto bagkus ganeto ang inyong gawin:
- Iwasan hulaan ang pagiinvest, magresearch at kilatisin mabuti
- huwag madaliin ang move mo risky ang bawat pagpasok natin so dapat calculated lalo na kung gusto mong kumita
- karaniwan kasi satin once may nakita tayo na sinuwerte, natapat lang gusto agad nating maging ganun, your time will come kaya wagkang magpanic
- Tiyagain mo ang pagaaral sa coins na iyong gustong pasukin, dahil kapag naipasok mo na yan, lalo kung malaki halaga, maaring iba maging effect sayo lalo at pagnagkamali ka,
Hindi nawawala ang swerte, at hindi karin makakuha ng malaki kung hindi ka susugal pero dapat ay pinagisipan at inaral mo rin, sa crypto hindi pwede ang kutob lang, kasi kapag ang kutob mo sumablay kasama mong magugutom pamilya mo, kaya maliban sa kutob gamitan mo din, research, para mabackupan ang kutob mo, kasi mas malaki ang chance ng nagresearch na may kutob pa, kesa sa kutob lang.
nagawa narin ba nyo dati ang ganun style kinutuban , at kumita, pero ung next na kutob nyo naubos funds nyo? or natalo sa pinasok?