karaniwan kasi satin once may nakita tayo na sinuwerte, natapat lang gusto agad nating maging ganun, your time will come kaya wagkang magpanic
Tama, may kanya kanya tayong timeline sa buhay pero sa investing patas tayong lahat. Iba iba lang ang technique ng bawat investor kaya doon sa mga nai-inspire at nakakakita ng mga successful investors, puwede naman silang gayahin pero kung ano ang nag work sa kanila, posibleng hindi mag work sayo.
Agree ako rito sir, karamihan sa mga videos about crypto na nagci-circulate sa iba't ibang social media platforms ay paid promotion lang. Hindi naman natututunan ang crypto ng isang upuan lang, months ang kailangan mong ilaan para matutunan ito, yung iba pa nga ay inaabot ng taon.
Kailangan talaga ng mahabang panahon para masanay na din yung puso mo sa pag iinvest sa crypto. Sobrang volatile at noong una, kung ano ang naranasan natin, yun ang nagpatibay sa atin lalo na kapag nakikita nating bumabagsak ang market. Kala ng iba sobrang dali lang i-set yung ganoong mentality.