Kumbaga sanayan lang yan. Kapag kaya ang risk at afford yung puwedeng matalo, okay lang at may mga pinoy talagang okay lang sa risk taking kahit gaano pa yan kalaki. Meron namang sobrang sensitibo na kahit iilang daan na talo, parang masakit na sa damdamin kasi nga pinaghirapang pera nila yun at mahirap ang buhay ngayon. Iba iba lang talaga tayo ng style at pagtingin sa ginagawa at pinapasok natin. Yun nga lang, balance pa rin talaga. Kung sino ang mas malaki ang tinake na risk, siya rin naman ang may pinakamalaking gain pag nagkataon. At yung play safe naman, play safe lang din yung potential na kikitain nila. Yung mga susubok lang tapos pag talo ay aayaw na, hanggang dun nalang sila at mapagiiwanan pero hindi din natin sila masisisi kasi nga iba iba tayo ng take sa ganito karisky na market.
Tumpak at relate talaga yang argumento mo, meron at meron talaga na kayang i-handle yung risk at meron ding hindi kayang malugi or
makitang nalulugi, pinaghirapang pera kaya talaga ganun na lang ang pag-aalala.
Yung ganito ring mentality ang ginagamit ng mga scammer na way para makapang scam kasi alam nila na meron silang mauuto na maglalabas
pa rin talaga ng pera at magbabakasakali.
Hindi kasi talaga natin masasabi ibat'-iba kasi ang chaacter at kapasidad ng bawat trader at investor.