Ganito lang talaga sa market na ito, no pain no gain ika nga at yung volatility ng market na ito ay high risk at high reward. Kaya mamili ka kung ano ang masakit sayo pero tatagan mo lang loob mo, kapag mahina ang damdamin, huwag nalang pumasok sa crypto.
No pain, no gain talaga sa industriya na ito kaya fit na fit talaga ito sa risky people lalo na sa mga teenage dahil malakas loob nila sumugal at magsunog na pera para sa 100x gains pag naka tsamba sa isang tokens or coins. Pero kung sa seasoned na sa laraan nito mas mautak na at utak talaga pinapairal hindi damdamin lalo na sa larangan ng trade.
Yung no pain no gain mindset ay para lang dun talaga sa trader na di pa masyado maalam sa tamang pag trade since naniniwala sila na kung di mag risk ng kahit anong halaga ay di sila kikita ng malaki kaya kadalasan yung iba nakakatsamba, pero karamihan talaga olats. Kaya mainam talaga na maging maalam sa pag trade para di masyado matalo at ma discourage sa crypto at tumaas naman ang tyansa na kumita. Dahil pag umasa tayo sa 100x gains medyo mahirap ito makita especially if kunti lang resources natin.