Kagabi nag salita ulit ang presidente natin ukol sa kinakaharap natin epidemya at sinabi nya na tutol siya sa pagbubukas ng klase dahil nandon pa rin yung panganib na mainfect mga estudyante na papasok sa mga paaralan at unibersidad. At, ang pinaparating nya talaga dito ay mas mainam na unahin ang kapakanan at kalusugan ng mga estudyante and para sa akin medyo pabor naman ako dito dahil isa rin akong estudyante and may kapatid din akong nag-aaral .
“Wala nang aral, laro na lang unless I am sure that they are really safe. It’s useless to be talking about the opening of classes. Para sa akin, bakuna muna,” Duterte said.
Para sa akin, hindi naman lahat ng mga estudyante ay ginagamit ang time ngayon para lang maglaro dahil may iilan ay mas pinipili pa rin ang mag aral ng mga bagay na gusto pa nila matutunan. And, nasa atin na rin siguro ito kung gagamitin natin ang free time sa makabuluhang bagay. And, mas mainam na talaga muna na talakayin yung vaccine sa virus para wala ng takot ang mga estudyante kung magreresume yung mga klase.
Pero salungat naman sa nais ng presidente, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, safe daw iresume Ang klase sa August 24.
“Pag-aaralan po natin [nang] maigi ito. Pero sa ngayon po, tingin namin, ay ligtas kung bubuksan ang klase by August 24 (We will study this carefully, but for now, we think that it’s safe if we will be opening classes by August 24),”
Pag-aaralan pa lang pero nasabi na nyang ligtas ang pag bubukas ng klase sa susunod na pasukan. Masyado itong nakakabahala para sa kaligtasan ng mga kabataan. Una, hindi lahat ng paaralan ay kayang i-accomodate ang mga estudyante habang ipinapatupad ang social distancing sa buong facilities. Maraming estudyante ang umaasa lamang sa public schools para makapag aral at alam naman nating laging siksikan ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.
Ang pag reresume ng mga klase sa kalagitnaan ng epidemya ay isa talagang malaking sugal para sa kalusugan ng mga mamamayan pati na din sa ekonomiya. Sana naman ay pag isipan nang mabuti ni Duque ang mga iba't-ibang posibilidad bago magdesisyon. Madaling sabihin na ligtas ito, pag nasa sitwasyon na tayo ay malaki ang chance na mas lalong dadami ang positive cases. Ngayon pa nga lang na karamihan ay naka quarantine, patuloy pa rin ang pag dami, pano pa kung palalabasin ang mga kabataan? Ganito ang pinlano ng South Korea pero mukhang mahirap pa rin na magtagumpay na maging ligtas ang mga kabataan sa pag bukas ng klase.
Sources:https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/739739/duterte-no-opening-of-classes-without-vaccine-vs-covid-19/story/
https://news.mb.com.ph/2020/05/26/it-is-still-safe-to-open-classes-in-august-duque/
https://www.forbes.com/sites/tommybeer/2020/05/25/6-year-old-tests-positive-for-coronavirus-complicating-south-koreas-school-reopening-plans/#dda8cbd6f63b