Pages:
Author

Topic: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread - page 12. (Read 5858 times)

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Mahirap talaga ang magiging desisyon dyan, daming kailangang isa alang alang katulad ng economiya at kaligtasan ng lahat ng Piilipino. Ang nakakainis lang kasi dun sa mga makukulit na yan, pag tinamaan naman ng sakit gobyerno natin ang sisisihin pag hindi sila natulungan gayung kung nakinig lang naman sila baka hindi pa sila tinamaan. Ang bansang Spain nag extend na hanggang May 9. At kung hindi talaga bababa ang kaso ng mga kababayan nating tinatamaan ng Covid-19, malamang i extend yan at lalong mag higpit at gamitan na ng full force ng kapulisan at militar natin.
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
Sa aking opinyon ay hindi solusyon ang ECQ laban sa COVID 19 dahil kong mapapansin natin noong ini announce ng pangulo na magkakaroon ng quarantine ay nag panic ang mga tao, yung iba nagsi uwian sa kanilang probinsya halos punuan ang mga buses kung saan siksikan ang mga tao hindi natin alam kung may mga carrier ng virus doon pero nakikita naman natin na nagkaroon na ng mga kaso sa ibat ibang lugar, at isa pa karamihan sa mga tao ay nagpanic buying kung saan naman ay nagsiksikan sila sa mga groceries at palengke para bumili ng kanilang pangangailangan di din natin alam kung nagkahawaan na sila, at isa pa sa pagdistribute ng mga relief goods kung mapapansin natin na nag uunahan ang mga tao at hindi naman nasusunod ang social distancing kayat kung mayroon man positive doon ay tiyak din na magkakahawaan, at isa pa tingnan natin ang mga natatrapic na mga sasakyan ng dahil sa check point na iipon ang mga sasakyan at karamihan ay mga naka motor at hindi din natin alam kung nagkakahawaan din sila, at isa pa sa mga remmitances nag iipon ipon din mga tao para makapagpadala o kumuha ng padala at di din natin alam kung nagkakahawaan din sila. ilan lang eto sa mga nakikita ko na walang silbi ang ECQ mas lalo pa ngang nakapagpalala ng sitwasyon.

Para sa aking pananaw kung sana di nag patupad ng ECQ ang gobyerno ay hindi sana ganito kalala ang sitwasyon. Kung para sa akin lang ang tama siguro nilang ginawa ay  pinagbawalan lang ng gobyerno ang mga tao na lumabas ng walang proteksyon, tulad ng pagsuot ng mask, pagsombrero (dahil pwedeng kumapit ang virus sa buhok ng tao) at proteksyon sa mata at tainga. halimbawa kung sino ang makita na walang protekston ay huhulihin at pagmumultahin o ikukulong, At tuturuan din nila ang mga tao kung pano maingatan para hindi sila mahawaan ng virus tulad ng palagiang paghuhugas ng mga kamay, social distancing at iba pa. Kung sana yung budget na inilaan nila sa SAP ay ibinili na lang ng mga protective gears para hindi magkahawaan ang mga tao at idinistribute nila sa bawat mangagawang pinoy.

Kung walang ECQ dapat sana tuloy tuloy lang ang ekonomiya ng bansa, ang mga tao ay tuloy lang pasok sa trabaho basta may mga proteksyon sila at alam naman nila pano ingatan ang sarili nila dahil mga tao yan may mga isip at lahat ay may takot na mahawaan kayat mag iingat talaga yan para sa pamilya nila, hindi yung ikinukulong sa bahay na para bang tayo ay mga walang pag-iisip.

eto ay aking opinyon lang bilang isang mamamayan salamat po
copper member
Activity: 658
Merit: 402

Quote
Duterte to consult past DOH secretaries over quarantine extension, says Bong Go

Ngayon ay humihingi ng opinyon ang pangulo kung dapat bang iextend ang ECQ sa bansa after nito matapos sa April 30, 2020. Ayon naman kay Bong Go, ang presidente daw ang mag dedecide kung gagawin nga ito maaaring ngayong linggo. Ayon pa sa kanya, kung sya lang naman daw ay uunahin nya ang kaligtasan ng mga mamamayan kaso ang ekonomiya naman ang nakataya kapag mas lalo pang humaba ang quarantine.

Wala pang vaccine para gamutin ang sakit, kaya ang pinaka mainam na solusyon sa ngayon ay ang pananatili sa bahay at pag iwas sa maraming tao para hindi mahawaan ng sakit. Mahirap itaya ang kalusugan ng bawat Pilipino. Pag natapos ang ECQ at bumalik na sa lahat ang mga tao, mas dadami ang cases nito at mas lalong maghihirap ang bansa kung sakali. Kaya wala tayong ibang magagawa kundi makicooperate at manatili sa bahay.

Kung kayo ang tatanungin, sa tingin nyo ba ay maeextend pa ang ECQ? Mas hihigpitan ba nila ito? Kasi kung patuloy lang ang pag extend pero may mga pasaway pa ring hindi sumusunod, wala lang ding mangyayari. Sasang ayon ba kayo kung sakaling mas dumami ang mga militar na magbabantay habang may ECQ para mas mapahigpit ang pagpapatupad?

Source:
Code:
https://news.mb.com.ph/2020/04/19/duterte-to-consult-past-doh-secretaries-over-quarantine-extension-says-bong-go/
legendary
Activity: 3444
Merit: 1061
LOL at the safety ranking....at the bottom.

instead of trying to engage in some retard arguments, including putting words in my mouth. just try to figure out why philippines is in the bottom of "asia-pacific corona virus safety ranking" LOL

pointing out "based on the efficiency of quarantine and government management, monitoring and detection, emergency treatment and readiness", basically this lock down is just stalling/delaying the inevitable-the virus always finds a way to get through people/communities.

the government can extend this for as long as they want until they can no longer extend it anymore.

so what if a person can live for around one month without food? have you tried not eating even for 3 days? hehe

people who have more in life want martial law so that at the end of the month when they go out of their cozy homes into their "well off neighborhood" and everything is fine...but the virus will eventually find its way back, why? again..EFFICIENCY AT THE BOTTOM

whether you all like it or not the poor is always with us this is a 3rd world country, scaring people with military just shows how miserable the government is and i bet those military personnel are also scared arresting those poor people for they might get the virus too LOL




hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
bibigyan kita ng hint. COVID19 ..ang ibig sabihin 2019 pa yang virus na yan. conspiracy? January 20 lang ng china sinabi na may human to human transmission, may internet ka at siguradong may oras ka dahil sa lockdown, basa basa at youtube youtube lang  Wink
Alam ko yan, if it's not a conspiracy can you prove it here especially yung talagang para sayo naglalaman ng mga mabibigat na ebidensya or mayroon kang pinanghahawakan? I'm not into China nor I'm into your opinions, I'm into facts. Do you think YouTube was a reliable platform? If sabihin ko sayo na hindi nanggaling sa China ang virus at sa ibang bansa it's just been plotted there, will you ever believe in me?

ang sinabi kong aalisin ang lockdown ay prediction ko na mangyayari..bakit?

1.) obserbahan mo yung mga mahihirap, tama sila mauuna pa silang mamamatay sa gutom kaysa virus
2.) hanggang ngayon 14 days pa ang official maximum quarantine days, merong recorded na asymptomatic carriers up to 26 days
3.) yung gumaling na pwedeng magka relapse
4.) human to animal tapos animal to human. (hindi lang tao ang pwedeng maging carriers)
5.) kaya bang isustain ang pagpakain ng gobyerno sa mga tao hanggang maubos ang virus? extend lang ng extend ng lockdown?
6.) ang mga hospital nirereject na ang mga pasyente
7.) pinaghuhuli yung mga gustong mag supply ng alcohol at face mask
8.) ang philhealth hindi na icocover ang full payment ng hospitalization at maraming hindi kayang magbayad

1.
tingan mo ang mga comments sa youtube sa mga video ng mga hinuling nagbebenta ng alcohol at face mask kung hindi ingitero at utak talanka ang masasabi mo, saka yung mga nag utos na manghuli-isa rin sila. yang gobyero ang profiteering dahil okay daw yung mga PPE at test kits na binili sa china pero yung mga bansa sa europe ang sabi hindi daw okay-mataas daw ang failure rate. bakit okay daw sabi ng gobyerno?--kasi meron silang kick back hehe.
Have you ever got the full detail of the story or not? Hindi ko pa kasi nakita yang story na yan. I will not rely on just plain comments mate. Paanong may kickback? So you think they are wrong on their assessment? It doesn't mean it's from Europe it's of high quality and China is don't or vice versa.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Little_Mouse Campaign Management | OrangeFren.com
I was expecting someone to post yung sinabi ni Pres Duterte.

'Parang martial law': Duterte warns troops to take over if Filipinos break quarantine

Quote
'I am just asking for your disiplina, kasi 'pag ayaw ninyong maniwala, mag-take over ang military at police.... Parang martial law na rin. Mamili kayo,' says a disgruntled President Rodrigo Duterte

https://www.rappler.com/nation/258174-parang-martial-law-duterte-warns-troops-takeover-filipinos-break-quarantine

So ayan na, sa mga makukulit na naglalabas pa dyan kahit na nasa lock-down na. Marami pa ring cases ang nag di-discover everyday at kung hindi bumaba ang statistics malamang mag extend ng quarantine at worst martial law ang kasunod.
Di ko ramdam masiado ang impact nito dahil di ako nakatira within Metro Manila pero suportado ko ito if mangyari man.

Alam naman natin na mababa ang healthcare system natin pero ang mga tao ay ayaw pang sumunod sa mga protocols na pinatupad ng gobyerno. Makukulit kasi karamihan sa mga kababayan natin eh kaya napipilitan si PRRD na magsabi ng mga words na ganito. Kung alam lang nilang sumunod at may disiplina sila then di niya ito masasabi at isa pa, mas bababa pa ang cases natin.

For sure, marami na namang nag rant sa social media regarding sa sinabi nito ni Presidente pero suportado ko ito para sa kapakanan ng kanyang mga tao. Sa ibang bansa nga gaya sa mga Middle East countries if lumabas ka fine + jail Cheesy. Sa North Korea, alam naman natin na walang kaso dun hanggang ngaun at alam na natin ang dahilan Cheesy.

Saka lang susunod ang mga tao pag nakaramdam na sila ng hirap gaya nito.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
I was expecting someone to post yung sinabi ni Pres Duterte.

'Parang martial law': Duterte warns troops to take over if Filipinos break quarantine

Quote
'I am just asking for your disiplina, kasi 'pag ayaw ninyong maniwala, mag-take over ang military at police.... Parang martial law na rin. Mamili kayo,' says a disgruntled President Rodrigo Duterte

https://www.rappler.com/nation/258174-parang-martial-law-duterte-warns-troops-takeover-filipinos-break-quarantine

So ayan na, sa mga makukulit na naglalabas pa dyan kahit na nasa lock-down na. Marami pa ring cases ang nag di-discover everyday at kung hindi bumaba ang statistics malamang mag extend ng quarantine at worst martial law ang kasunod.

I expect this to happen very soon dahil ang titigas ng ulo ng ilan natin kababayan. Hindi talaga nila sineryoso yong panawagan ng gobyerno na manatili sa bahay. Yong "presumption" or plano ng gobyerno ay talagang hindi masusunod dahil sa iilan. Yong presumption nila na wala ng mahahawa or iilan na lang ang mahahawa in the middle of the ECQ ay hindi nila makikita sa stats kasi labas ng labas ang mga tao.



Meanwhile, dito sa bayan namin mayroon na din kaming ground zero. Napakalungkot nito ngunit kailangan itong harapin ng LGU ng Cebu and hoping they will manage this crisis well.

https://www.sunstar.com.ph/article/1852996/Cebu/Local-News/Barrio-Luz-on-total-lockdown
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
I was expecting someone to post yung sinabi ni Pres Duterte.

'Parang martial law': Duterte warns troops to take over if Filipinos break quarantine

Quote
'I am just asking for your disiplina, kasi 'pag ayaw ninyong maniwala, mag-take over ang military at police.... Parang martial law na rin. Mamili kayo,' says a disgruntled President Rodrigo Duterte

https://www.rappler.com/nation/258174-parang-martial-law-duterte-warns-troops-takeover-filipinos-break-quarantine

So ayan na, sa mga makukulit na naglalabas pa dyan kahit na nasa lock-down na. Marami pa ring cases ang nag di-discover everyday at kung hindi bumaba ang statistics malamang mag extend ng quarantine at worst martial law ang kasunod.
legendary
Activity: 3444
Merit: 1061
Can't comprehend really sa mga pinagsasasabi mo @arielbit, are you one of those people na nagpapaniwala ng mga news on social media, if so at least verify it on legit sources? More like mga conspiracy lang ang statements mo. Is it true na hindi nga kinaya ng China, do you have claims na hindi nga? So far, I think na-flatten na nila yung curve nila regarding sa conspiracy that they are just trying to spread the disease that can't be concluded yet it is still a conspiracy. Ano ang masama kung sumunod sa alituntunin ng gobyerno na mapagaan ang sitwasyon dahil sa pandemic?

aalisin na ang lockdown, bahala na ang mga tao sa mga buhay nila.
ang dami kasing mga filipinong mga ingitero at utak talanka.
Aren't you portraying one of those characteristics? Anong alisin ang lockdown? Hindi mo na alam na may mga silent carriers na nagpopositibo at hindi nila rin alam until tested na meron sila ng naturang sakit, just heard it on the news especially doon sa Valenzuela City kasi nagkaroon na sila ng mass testing. Does lifting the ECQ solved the problem until the curve hasn't been flattened? I think not, oo mahirap lalong lalo na sa walang-wala talaga pero mas hindi kakayanin ng gobyerno na mas lumalala pa ang sitwasyon lalo na kung i-lift ang ECQ ng maaga until we really see a decline of cases.

bibigyan kita ng hint. COVID19 ..ang ibig sabihin 2019 pa yang virus na yan. conspiracy? January 20 lang ng china sinabi na may human to human transmission, may internet ka at siguradong may oras ka dahil sa lockdown, basa basa at youtube youtube lang  Wink

ang sinabi kong aalisin ang lockdown ay prediction ko na mangyayari..bakit?

1.) obserbahan mo yung mga mahihirap, tama sila mauuna pa silang mamamatay sa gutom kaysa virus
2.) hanggang ngayon 14 days pa ang official maximum quarantine days, merong recorded na asymptomatic carriers up to 26 days
3.) yung gumaling na pwedeng magka relapse
4.) human to animal tapos animal to human. (hindi lang tao ang pwedeng maging carriers)
5.) kaya bang isustain ang pagpakain ng gobyerno sa mga tao hanggang maubos ang virus? extend lang ng extend ng lockdown?
6.) ang mga hospital nirereject na ang mga pasyente
7.) pinaghuhuli yung mga gustong mag supply ng alcohol at face mask
8.) ang philhealth hindi na icocover ang full payment ng hospitalization at maraming hindi kayang magbayad

tingan mo ang mga comments sa youtube sa mga video ng mga hinuling nagbebenta ng alcohol at face mask kung hindi ingitero at utak talanka ang masasabi mo, saka yung mga nag utos na manghuli-isa rin sila. yang gobyero ang profiteering dahil okay daw yung mga PPE at test kits na binili sa china pero yung mga bansa sa europe ang sabi hindi daw okay-mataas daw ang failure rate. bakit okay daw sabi ng gobyerno?--kasi meron silang kick back hehe.

hero member
Activity: 2492
Merit: 542
^Talagang nakakabahala yan pati sa bilanguan umabot na pala ang covid dapat ma isolate agad yung positive at i-mass testing yung mga nakasamang preso kasi kung hindi nila maagapan yan kakalat yan sa loob kawawa sila diyan or gayahin nila sa Iran na pinalaya nalang nila yung ibang preso para lang maiwasan sa pagkalat ang covid na ito, ano sa tingin niyo talaga ang solusyon? tanggalin ang lockdown or extend? Sa aking opinyon extend pa rin ang lockdown hanggat tumataas ang bilang at mas mahigpit na talaga dapat gayahin natina ng China na walang labasan ng bahay yung iba nga dun tlagang nilalagyan ang harang yung labas  ng bahay para lang walang lumabas.
copper member
Activity: 658
Merit: 402



Balita ngayon na nine inmates ng Bureau of Jail Management and Penology ang nag positibo sa COVID-19. Sa ngayon ay naka isolate na ang mga inmates sa isang bagong facility sa Quezon City. Ayon din sa isang press conference, mayroon ding nine personnel ng BJMP ang nag positive.


Quote
“All of our personnel assigned in Quezon City Jail were tested. There are around 40 of them and we had them swabbed,” Solda said pertaining to the test procedure for COVID-19.

He added that 21 other inmates were also tested.

“Those who show symptoms, definitely they have to be tested to determine the extent of possible infection,” Solda added in Filipino.


Magkakaroon ng random testing sa mga inmates para madouble check ang sitwasyon at kalagayan ng nga inmates.

Source:
Code:
https://www.philstar.com/headlines/2020/04/17/2007916/9-bjmp-inmates-test-positive-covid-19


Eto ang isa sa pinaka nakakabahala ngayon eh. Umpisa pa lang ay nakakatakot na isipin pano kung magkakaroon sa kulungan, siksikan sila at walang social distancing. Once na makapasok ang virus, prone na ang lahat sa loob. Akala ko once na pagbawalan muna ang pag bisita ay mababawasan ang possibility na mahawaan sila. Pero ngayon, mayroon nang nagpositibo. Delikado na din ang kaligtasan ng mga inmates. Sana ay maagapan nila ito at hindi na dumami ang cases sa kulungan dahil mas mahirap kapag kumalat ang virus sa kulungan.

Kung ganyan ang itsura ng mga inmates, sobrang nakakatakot kapag kumalat ang virus. Siksikan, walang proper hand washing, lahat close contact, walang face mask, at hindi safe. Nasa loob nga sila, nasa loob din naman ang virus. Hilingin nalang natin na sana wala ng madadagdagan na bagong cases galing sa mga inmates. Kung tayo nga ay ipinapatupad ang social distancing, sa kulungan, hindi nila ito magagawa.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
It looks like there will be a change in leadership sa DOH.

Senators seek Duque's resignation for 'failure of leadership' amid COVID-19 crisis

They cited the following reasons:
  • Failure of Leadership
  • Negligence
  • Lack of Foresight
  • Inefficiency

Though I think nag-resign na dapat siya nung pumutok ang Dengvaxia, I'm not sure if this is the right time for this move. I would have preferred na after na ng crisis saka panagutin ang lahat ng may pagkukulang kasi baka maapektuhan lalo ang implementation ng policies to fight COVID-19 but these lawmakers probably have seen enough.


Nope, hindi siya pinalitan ni PRRD at ewan ko ba kung bakit me tiwala parin siya kay Doque eh ang bagal nito gumalaw mas madami pa presscon kaysa sa aksyon dapat ung mga testing labs ay pinapabilis ang pag accredit upang makapagsagawa na ng mas testing ung mga lugar na nag request nito at tsaka sablay din sya dun sa pagharang nya sa mga PPE's dahil maraming front liners ang nalagay sa alanganin dahil dito.



feeling close kasi si duterte sa china, hindi niya alam kung hanggang saan lang ang limitasyon sa relasyon ng administrasyon na ito sa china regarding sa "pandemic scenario", naunahan pa ng russia magsara ng borders ang pinas, bakit? kasi sabi ng china sa pinas na huwag isara ang borders sa china (at kakampi pa ang WHO sa china, hindi daw kailangan itigil ang air travel). tapos dahil sa gustong maging in "good terms" ng administrasyon hindi sinara ang borders.

ano ang masmaganda buhay ang lokal na ekonomiya pero sarado ang mga airports at sea ports o ganito naka lockdown lahat?

ang china naman na walang delikadeza at hiya eh gusto talagang mang hawa.

obvious naman na si doque ay sumusunod lang sa pangulo at nakikinig sa WHO imbis na paandarin ang sariling utak.

yang mga senador naman na ang gagaling magreseach ng mga ipapampulitika eh ang tatanga naman pagdating sa virus na may mga characteristics ng isang pandemic starter. may nag comment pa sa senate hearing na "may direct flight pala ang wuhan sa pinas"---bakit kailan niya nalaman? during the hearing o before? kung during-wala siyang kwenta, kung before-bakit wala din siyang ginawa?

at best, may failure of advisors ang pangulo.. at worst naman eh matigas at mahina lang talaga ang ulo, feeling all knowing haha.

yung philhealth naman pakatapos may mag claim ng 4 Milyon sa critical treatment para sa wuhan virus binaba na sa 700,000 plus ang pwedeng ma claim haha

mga frontliners (mga hospitals to be specific) hindi na tumatanggap mga pasyente kasi takot na sila. parang mga sundalo na nagsisitakbuhan sa sa giyera...hindi mo naman masisi dahil natural naman ang self preservation.




We are not rich country and sa tingin mo ba may magandang epekto ang pag lockdown ng maaga? oo andun na tayo sa usaping kumalat na ang virus pero isipin mo rin to ang bansa natin ay naka depende sa tourism at manufacturing at kung nag lockdown ng maa
aga let say nung january ano na nangyari sa mga kababayan natin? tiyak nangyari na ang looting at ibang krimenalidad ngayon dahil marami ang gutom since imagine 3 months walang trabaho?

At dahil nadin sa advisory ng WOH kaya may tantiyahang naganap at ang nangyari nung nakaraan ay nag tiwala ang gobyerno na malulutas ng tsina ang sakit na ito kaya ganito ang nangyari, pero in response naman sa kasalukuyang nagaganap is maganda ang tugon ng gobyerno un ngalang may mga korap na lgu ang patuloy paring namayagpag kaya marami ang hindi nabibigyan ng ayuda.

Kaya ang tanging magagawa natin ngayon is sumonod at manatili sa bahay pero ang hirap may mga tao parin ba pasaway at pinapalala nila ang sitwasyon.

sana mag implementa ng 1 time total lockdown sa buong bansa  ang gobyerno upang ma control ang epidemyang ito.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Can't comprehend really sa mga pinagsasasabi mo @arielbit, are you one of those people na nagpapaniwala ng mga news on social media, if so at least verify it on legit sources? More like mga conspiracy lang ang statements mo. Is it true na hindi nga kinaya ng China, do you have claims na hindi nga? So far, I think na-flatten na nila yung curve nila regarding sa conspiracy that they are just trying to spread the disease that can't be concluded yet it is still a conspiracy. Ano ang masama kung sumunod sa alituntunin ng gobyerno na mapagaan ang sitwasyon dahil sa pandemic?

aalisin na ang lockdown, bahala na ang mga tao sa mga buhay nila.
ang dami kasing mga filipinong mga ingitero at utak talanka.
Aren't you portraying one of those characteristics? Anong alisin ang lockdown? Hindi mo na alam na may mga silent carriers na nagpopositibo at hindi nila rin alam until tested na meron sila ng naturang sakit, just heard it on the news especially doon sa Valenzuela City kasi nagkaroon na sila ng mass testing. Does lifting the ECQ solved the problem until the curve hasn't been flattened? I think not, oo mahirap lalong lalo na sa walang-wala talaga pero mas hindi kakayanin ng gobyerno na mas lumalala pa ang sitwasyon lalo na kung i-lift ang ECQ ng maaga until we really see a decline of cases.
legendary
Activity: 3444
Merit: 1061
ito ang foresight..basta panoorin lang ninyo ang wuhan/china, ang pinagsimulan ng lahat kasi sila ang nauuna, kung ano ang nangyayari sa china iyon din ang mangyayari dito.

dahil sa kailangan istart ang economy kasi hindi pwedeng lahat ng tao sa pilipinas ay instant pensionado. kahit hindi pa nauubos ang wuhan virus dito, aalisin na ang lockdown, bahala na ang mga tao sa mga buhay nila..tulad sa china ngayon. kung hindi kinaya ng china, mas hindi kaya ng pilipinas...hindi nga kinaya ang swine flu ang perfect example ng lock down dahil lahat ng baboy nakakulong...mga tao pa daw? haha

mag plano na at mag isip isip.

ang recommendation ko dito imbes na imonitor ang loosing battle eh masmabuti pang magthread na lang kung paano maging healthy, 80% ang nakaka experience ng mild symptoms at gumagaling ng kusa, iyon ang target--pumasok sa 80% at mas maganda kung mapalaki natin ang 80% na yan.

saka padaliin at tulungan magka permit yung mga gumagawa ng alcohol imbes na pinaghuhuli, ano ang napala sa mga panghuhuli ng mga nagtitinda ng face mask?...ang ending mas mataas pa sa pinresyo ng mga sellers na hinuli ang presyo ng mga face mask ngayon haha. hindi na natuto and mga namamahala. tangang DTI at mga mayor, pabunot bunot pa ng mga baril ang mga pulis sa mga nagfifill up ng demand. nasaan na ang capitalism? free market?...wala na bagang mga alcohol sa mga groceries. ang dami kasing mga filipinong mga ingitero at utak talanka. profiteering daw, ppfffffft!, siyempre mas mahal ng kaunti pag small scale production + law of supply and demand. example: itry ninyo mag backyard na magpalaki ng manok versus bumili ng dressed chicken. masmura bumili, dahil sa savings ng production cost ng mass production.

legendary
Activity: 3444
Merit: 1061
It looks like there will be a change in leadership sa DOH.

Senators seek Duque's resignation for 'failure of leadership' amid COVID-19 crisis

They cited the following reasons:
  • Failure of Leadership
  • Negligence
  • Lack of Foresight
  • Inefficiency

Though I think nag-resign na dapat siya nung pumutok ang Dengvaxia, I'm not sure if this is the right time for this move. I would have preferred na after na ng crisis saka panagutin ang lahat ng may pagkukulang kasi baka maapektuhan lalo ang implementation ng policies to fight COVID-19 but these lawmakers probably have seen enough.


Nope, hindi siya pinalitan ni PRRD at ewan ko ba kung bakit me tiwala parin siya kay Doque eh ang bagal nito gumalaw mas madami pa presscon kaysa sa aksyon dapat ung mga testing labs ay pinapabilis ang pag accredit upang makapagsagawa na ng mas testing ung mga lugar na nag request nito at tsaka sablay din sya dun sa pagharang nya sa mga PPE's dahil maraming front liners ang nalagay sa alanganin dahil dito.



feeling close kasi si duterte sa china, hindi niya alam kung hanggang saan lang ang limitasyon sa relasyon ng administrasyon na ito sa china regarding sa "pandemic scenario", naunahan pa ng russia magsara ng borders ang pinas, bakit? kasi sabi ng china sa pinas na huwag isara ang borders sa china (at kakampi pa ang WHO sa china, hindi daw kailangan itigil ang air travel). tapos dahil sa gustong maging in "good terms" ng administrasyon hindi sinara ang borders.

ano ang masmaganda buhay ang lokal na ekonomiya pero sarado ang mga airports at sea ports o ganito naka lockdown lahat?

ang china naman na walang delikadeza at hiya eh gusto talagang mang hawa.

obvious naman na si doque ay sumusunod lang sa pangulo at nakikinig sa WHO imbis na paandarin ang sariling utak.

yang mga senador naman na ang gagaling magreseach ng mga ipapampulitika eh ang tatanga naman pagdating sa virus na may mga characteristics ng isang pandemic starter. may nag comment pa sa senate hearing na "may direct flight pala ang wuhan sa pinas"---bakit kailan niya nalaman? during the hearing o before? kung during-wala siyang kwenta, kung before-bakit wala din siyang ginawa?

at best, may failure of advisors ang pangulo.. at worst naman eh matigas at mahina lang talaga ang ulo, feeling all knowing haha.

yung philhealth naman pakatapos may mag claim ng 4 Milyon sa critical treatment para sa wuhan virus binaba na sa 700,000 plus ang pwedeng ma claim haha

mga frontliners (mga hospitals to be specific) hindi na tumatanggap mga pasyente kasi takot na sila. parang mga sundalo na nagsisitakbuhan sa sa giyera...hindi mo naman masisi dahil natural naman ang self preservation.


sr. member
Activity: 1078
Merit: 256


Pero on other hand sa tingin ko since si Doque nadin ang naupo at tiyak may malawak kaalaman sya e pinagpatuloy  nalang ni pangulo at siguro warning ito para pagbutihin niya ang kanyang trabaho kasi marami ang nakasalalay sa kanyang desisyon at sana nga maging agresibo na ang DOH ngayong may mga testing lab na waiting maapprobahan at para masimulan nadin ang mas testing, walang lugar ang pabagal-bagal ngayon dahil kailangan na talaga ma flaten ang curve upang maibalik na paunti-unti ang buhay at ekonomiya natin.
Ganun na nga ang mangyayari kailangan si Doque magpatuloy at lalong maging aggresibo dahil dyan sa resolusyon ng mga senador na magagaling, may mga lapses talaga pero since naaddress yung pagtawag ng replacement nya malamang maraming mababago sa mga desisyon nya ngayon, hindi sya papalitan bagkus paiigtingin ang trabaho nya, dapat mabilis na syang magdecide hindi na dapat pabagal bagal ubos na ang resources ng bansa kailangan yung mga importanteng hakbang galing sa DOH para sa kinabukasan ng bayan, both kalusugan at yung economiyang kahaharapin natin sa mga darating na panahon.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
It looks like there will be a change in leadership sa DOH.

Senators seek Duque's resignation for 'failure of leadership' amid COVID-19 crisis

They cited the following reasons:
  • Failure of Leadership
  • Negligence
  • Lack of Foresight
  • Inefficiency

Though I think nag-resign na dapat siya nung pumutok ang Dengvaxia, I'm not sure if this is the right time for this move. I would have preferred na after na ng crisis saka panagutin ang lahat ng may pagkukulang kasi baka maapektuhan lalo ang implementation ng policies to fight COVID-19 but these lawmakers probably have seen enough.


Nope, hindi siya pinalitan ni PRRD at ewan ko ba kung bakit me tiwala parin siya kay Doque eh ang bagal nito gumalaw mas madami pa presscon kaysa sa aksyon dapat ung mga testing labs ay pinapabilis ang pag accredit upang makapagsagawa na ng mas testing ung mga lugar na nag request nito at tsaka sablay din sya dun sa pagharang nya sa mga PPE's dahil maraming front liners ang nalagay sa alanganin dahil dito.



Hind siguro sa tiwala, pero at this point baka mas lalong hindi maganda kung papalitan sya sa gitna ng crisis. Nakita naman nya ung resolution ng mga Senator at dapat nyang i address ito ng mas maayos ngayon lalo na yung accreditation ng testing facility sa Marikina. So dapat in the next coming days maging aggresibo na ang DOH sa pamumuno nya, wag na puro pa pogi at pa press-con kabi kabila.

Pero on other hand sa tingin ko since si Doque nadin ang naupo at tiyak may malawak kaalaman sya e pinagpatuloy  nalang ni pangulo at siguro warning ito para pagbutihin niya ang kanyang trabaho kasi marami ang nakasalalay sa kanyang desisyon at sana nga maging agresibo na ang DOH ngayong may mga testing lab na waiting maapprobahan at para masimulan nadin ang mas testing, walang lugar ang pabagal-bagal ngayon dahil kailangan na talaga ma flaten ang curve upang maibalik na paunti-unti ang buhay at ekonomiya natin.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
It looks like there will be a change in leadership sa DOH.

Senators seek Duque's resignation for 'failure of leadership' amid COVID-19 crisis

They cited the following reasons:
  • Failure of Leadership
  • Negligence
  • Lack of Foresight
  • Inefficiency

Though I think nag-resign na dapat siya nung pumutok ang Dengvaxia, I'm not sure if this is the right time for this move. I would have preferred na after na ng crisis saka panagutin ang lahat ng may pagkukulang kasi baka maapektuhan lalo ang implementation ng policies to fight COVID-19 but these lawmakers probably have seen enough.


Nope, hindi siya pinalitan ni PRRD at ewan ko ba kung bakit me tiwala parin siya kay Doque eh ang bagal nito gumalaw mas madami pa presscon kaysa sa aksyon dapat ung mga testing labs ay pinapabilis ang pag accredit upang makapagsagawa na ng mas testing ung mga lugar na nag request nito at tsaka sablay din sya dun sa pagharang nya sa mga PPE's dahil maraming front liners ang nalagay sa alanganin dahil dito.



Hind siguro sa tiwala, pero at this point baka mas lalong hindi maganda kung papalitan sya sa gitna ng crisis. Nakita naman nya ung resolution ng mga Senator at dapat nyang i address ito ng mas maayos ngayon lalo na yung accreditation ng testing facility sa Marikina. So dapat in the next coming days maging aggresibo na ang DOH sa pamumuno nya, wag na puro pa pogi at pa press-con kabi kabila.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
It looks like there will be a change in leadership sa DOH.

Senators seek Duque's resignation for 'failure of leadership' amid COVID-19 crisis

They cited the following reasons:
  • Failure of Leadership
  • Negligence
  • Lack of Foresight
  • Inefficiency

Though I think nag-resign na dapat siya nung pumutok ang Dengvaxia, I'm not sure if this is the right time for this move. I would have preferred na after na ng crisis saka panagutin ang lahat ng may pagkukulang kasi baka maapektuhan lalo ang implementation ng policies to fight COVID-19 but these lawmakers probably have seen enough.


Nope, hindi siya pinalitan ni PRRD at ewan ko ba kung bakit me tiwala parin siya kay Doque eh ang bagal nito gumalaw mas madami pa presscon kaysa sa aksyon dapat ung mga testing labs ay pinapabilis ang pag accredit upang makapagsagawa na ng mas testing ung mga lugar na nag request nito at tsaka sablay din sya dun sa pagharang nya sa mga PPE's dahil maraming front liners ang nalagay sa alanganin dahil dito.

legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Little_Mouse Campaign Management | OrangeFren.com
Cagayan province posts no COVID-19 cases for a week.

This article is posted yesterday and until now, there isn't any cases of COVID19 in Cagayan. The best part is that all of the positive cases are now recovery so in short, they have a 100% rate. There are no articles regarding this yet but I have watched the interview of the Governor in ESPN5.
Pages:
Jump to: