Grabe, pumutok yong Curry kung saan na kailangan talaga ni ng points at si Wiggs naman ay nakatulong din kasi para wala ngayong araw na naiaambag si Green, puro satsat lang ginawa hehe.
Congrats sa mga nakataya kanina lalo na sa live betting kasi nakita na pumalo sa 4.xx ang odds nong lamang pa ang Celtics ng 5 points with under six minutes to go, malamang maraming kumuha noon, sayang tinodo ko na kasi sa pre-live yong pusta ko...
+3.5 ako sa pre game betting, hindi na ako nag live bet. Pero ok na at least panalo naman.
Ang ganda talaga ng laban, hindi natin alam kung sino mananalo sa huli, lumamang ang Boston ang tuwang tuwa na ang crowd akala nila kanila na. Pero walang kaba tumira si Thompson ng tres tapos balik si Curry pumukol din ng tres. Ganda rin ng depensa nila sa stretch, at nag mintis ang mga bato ng Boston sa labas. 2 yata ang sablay ni Smart dun sa dying minutes at rebound agad ng Warriors. Although sumablay si Curry sa FT na kakaiba pero lamang na sila nun.
So balik na sa kanila at malamang hindi na nila to pababayaan. Pero tingin ko parang game 7 yata to hehehe.
Sana patuloy lang ang magandang performance ni Curry, mahirap na, ang lakas kaya ng Celtics, kahit sino sa kanila ay consistent ang production.
Horford, White, Brown, Tatum, and Smart, halos lahat sila kayang mag double digit.
mabuti nalang talaga nakahabol ang Warriors at nag tuloy sa 4th quarter ang magandang laro ni Curry.
Tuloy-tuloy yan, kung hindi man sya babanat sa shooting ay sigurado naman sa assists sya titimbang. Sana pati si Thompson ay makakuha na ng higit 20+ points per para hindi naman masyadong mabigatan si Curry, ganun din si Poole, kulang pa sya sa experience pero mas maigi kung sa labas sya papalag dahil dun sila mas may chance. Napansin ko sa ilalim umaataki si Poole kahit alam nyang napaka liit nya kumpara ky Williams at Horford. Warriors ulit Game 5!