Slight bad news. Ang 2022 drafts na dapat 60 ay naging 58 na lamang dahil sa tampering violations ng Miami Heat at Milwaukee Bucks. Dahil ito sa mga negotiation deals ng Miami kay Lowry at Milwaukee naman kay Bogdanovic.
Sa tingin niyo favorite ba o tagilid si Kai makapasok sa drafts ngayon? So far sa lahat kung sites na natingnan over the past weeks ay 2 lang sa kanila ang naisali si Kai sa top 50/60. Pero malay natin tapos sa Golden State Warriors pa dahil half ata ng roster nila free agents.
Yung mga napapanood ko sa youtube ay mga pinoy vloggers, lahat ata naniniwala na papasok si Kai, kaya lang bias yun, hehe..
Pagdasal nalang natin na makapasok ang big man natin sa NBA.
Napansin nyo ba yung commercial ngayon ng Jazz, si Kabayang Clarkson na yung main cast not sure lang kung may nakapansin na
yung patungkol sa pagbalik nila sa old uniform nila, yung dating gamit nila Karl Malone at John Stockton na ulit ang gagamitin nila
nagulat lang ako kasi imbis na either si Gobert or si Mitchell ang nasa commercial si kabayang JC na ang nag bida, parang sa personal
ko lang na tingin baka si Mitchell ang itapon pero syempre abang abang na lang din muna sa mga darating na announcement.
Parang si JC lang ata ang sure na hindi matrade sa Jazz. Mas safe kasi pag si JC na lang sa Jazz ads dahil pwedeng mas gusto ng Utah e-trade si Mitchell pero mas favorable pala mga counter offers ng ibang teams para kay Gobert.
Mas mabuti kung ma trade si Mitchell, siya ang leader ng Jazz pero parang wala namang improvement ang nangyayari sa Team. Mas maganda rin na baguhin nila ang system nila, gawin nilang mas effective si Gobert sa offense kasi malaki ito at mas maganda kung maging threat ito, kailangan lang ay star player na magaling mag set up hindi one on one play ang alam.