Di man niya nakuha ang inaasam-asam na contract ay successful din naman ang kanyang campaign dahil nga ay mas naging matunog na ang pangalan nya sa NBA. Medyo malas lang kaunti dahil sa Orlando siya napunta kasi kung sa ibang team pa yon ay siguro mataas pa ang kanyang chance. Bawi nalang ulit sa susunod.
Ewan ko lang kung sa Dallas siya nakapaglaro ay magbabago ba ang tadhana niya, i mean bibigyan kaya siya ng sapat na playing time doon, Magic at Mavs lang naman kasi ang nag-imbita sa kanya pero sadly doon siya napunta sa Magic pero over-all ay naipakita naman nya yong kanya tunay na kakayahan at bahala na yong mga teams na kumuha sa kanya kung tingin nila na swak yong playing style sa kanilang team pero i doubt na makakuha siya ng kontrata dahil halos lahat ng teams ay puno na.
Dito sa FIBA ay malaking maitutulong nya sa kuponan ng Gilas at tingin ko mas mataas pa nga yong playing minutes na makukuha nya kompara kay Junemar Fajardo dahil mas moblie tong si Kai Sotto at marami na ring experience sa international basketball kahit bata pa.