Sang-ayo ako dyan kabayan na magagamit na yon Wemby para umangay na agad tong Spurs, sana lang hindi matulad kay Chet na na-injury agad, saka pansin kailangan pa nya ng malaking adjustment sa NBA kasi puro malalaki kalaban nya doon. Si Miller naman siguro ay swak na rin sa Hornets kasi volume shooter sya at may depensa rin at mataas na kaya tingin ko aangat rin tong Hornets next season.
Fingers crossed na sana nga hindi ma-injury sa first 3-5 seasons niya. The cursed of the first pick ika nga nila. Sana hindi na tulamatalab yan ng makita naman natin na magbalik ang Spurs sa playoffs.
Aba'y matindi tindi na din ang inabot na record ni Coach Pops as maganda kung madadagdagan niya pa ito. Kailangan niya na isang malupit na pointguard din dahil kahit na may post-up game sya hindi pwedeng maging paulit-ulit ang plays. May Tre Jones sila na kapatid ni Tyus Jones, parehas itong dalawa na average pointguard at sadyang maasahan sa parehas na opensa at depensa. Sana lang mabuo agad ang chemistry sa dalawa na parang Tony Parker at Tim Duncan. Sigurado naman na kapag nagpakitang gilas si Wemby agad maiaakyat niya din ang pangalan ng iba pang Spurs.
Kay Brandon Miller naman, agree ako diyan, medyo exciting nga na isipin ang pares nila ni LaMelo Ball. At ang isa pang nakakatuwa ay winelcome agad siya ng franchise owner na si Michael Jordan.