Pero para sa akin nandoon naman yung lakas niya, siguro nadala lang siya sa pagtatapat nila ng number 2 pick na si Brandon Miller. Yung 4-point play sa huli ang pasabog ni Wemby, isa itong warning sa mga iiwanan siya sa labas dahil siguradong i-uupgrade pa nila yang shooting skills niya.
Marami pang kulang sa kanya, sa totoo lang. Pero isa syang rookie kaya hindi dapat mag-expect ng sobra sa kanya. "I'm trying to learn." ika niya nung post game interview. Huwag niyang pwersahin dahil siguradong makakamit niya rin ang itaas. Masyado pa siyang bata upang magmadali sa karera niya, madami pa siyang kakaining bigas. Ay, experience pala na paraan para matuto pa.
Sa ngayon okay na yan, summer league lang naman. Although marami nga kasi ang na-hype at na sold out pa ang court sa Las Vegas.
Expected na siguro yan kabayan pero isang laro pa lang naman to, baka sa susunod na mga laro ay makikita na natin or sa mga nag-expect sa kanya na mag-explode ang tunay nyang laro. Pansin ko lang ay medyo nagpasikat pa yong number 2 pick na si Brandon Miller pero di naman nagpapahuli si Wenby pagdating sa depensa na may 5 block ata kung hindi ako nagkakamali, malaking bagay na yon.
Halftime na ng laro ng Magic vs Pistons at ang score ay 43 all. Nakakalungkot lang ay hindi pa pinaglaro ng coach si Kai Sotto, baka sa second half ay bibigyan to ng playing minutes.