Yun kasi ang naging impression natin nung na invite at naisama sya sa summer league, parang yung joke na common sa ating mga pinoy, " binigyan na nga ng trabaho, gusto pa ng sweldo" Pero syempre bilang isa sa mga sumusuporta sa batang manlalaro syempre nakakasama naman talaga ng loob kasi nakakatatlong game na sila pero hindi man lang nabigyan ng chance na maglaro kahit man iilang minuto lang, pero yun talaga eh, ganun talaga kung walang kang asim sa coach wala ka talagang magagawa.
Sumusuporta tayo sa kanya kaso lang kasi nag set ng sobrang mataas na expectation yung mga nanggagatas sa kanya na mga vlogger. Kung wala yang mga yan baka hindi mafe-flame mga ibang basketball fans kahit hindi siya ipasok. May balita na ba kung nakalaro na siya sa game nila ngayon?
Mukhang may malaking maco-content nanaman ang mga vlogger kuno today dahil pinapasok na finally si Kai for a few minutes. Kaso nga lang hindi naging impressive yung pasok nya, dahil na nga rin siguro sa panget na systema ng Orlando kaya't it's not a big surprise kung bakit palaging tambak. Nalilito din si Kai kung anung gagawin nya kapag hawak nya ang bola kasi hindi gumagalaw ang opensa ng orlando, parang nag titinginan lang at parang hindi rin alam kung anong play ang gagawin LOL. One of the huge mistake nga lang kay Kai offensively ay natatakot syang tumira sa perimeter while inaatrasan sya ng depensa ng kalaban.
Defensively, Kai a good factor, pero hindi parin sapat kelangan talaga total package at magaling din talaga sana sa opensa. Though there are still a lot of room for improvement para sa bata, I have nothing but respect for Kai's hardwork para sa NBA journey nya.