Sang-ayon ako dyan kabayan, yong nga siguro ang dahilan kung bakit hindi sumama si Jordan Clarkson sa Team Gilas para sa mga pockets tournaments dahil may aasikasuhin pa siya sa kanyang kontrata sa Jazz at kailangan na healthy siya para hindi ma-compromise yong kontrata.
Parang babalik na siya sa Jazz dahil sa napagkasunduang kontrata niya at tama ka diyan, kahit na gustong gusto niya mapasama sa lahat ng activities at side tourneys ng Gilas, kailangan niya muna asikasuhin yung sarili niya at mga potential offers niya pero parang stay pa rin siya sa Jazz base sa mga nabasa kong balita.
Hindi na rin kasi siya 6th man, starting five na nga ang datingan ng ating kababayan na si Jordan Clarkson kaya sigurado magiging busy pa ito sa ibang events lalo na sa mga organizations ng NBA like NBA Cares. Dati marami-rami pa ang oras niya dahil nga 6th man of the year siya, pero ngayon star na talaga at maaring mag propose na din ang Utah Jazz na magabsent siya sa mga FIBA or other leagues para lang makaiwas sa injuries.
Pag-usapan naman natin mga kabayan yong estado ng Golden State Warriors sa ngayon na nandyan na si Chris Paul sa kanila at yong Draymond Green naman ay mataas ang tsansa na umalis. May laban pa kaya sila sa West ngayon na kung saan ay hindi masyadong effective yong "small ball' line-up nila.
Your thoughts...
Nandiyan pa naman si Wiggins pero sana kumuha pa sila ng isang matibay na pang ilalim nila. Kaso kahit kumuha sila parang salary cap na din ata sila kahit mawala si Poole at Green sa kanila.
Oo brad, lintek ang luxury tax nitong Warriors dahil nga over lagi sa salary cap. Wiggins, Curry, Thompson, at CP3, yan pa lang kumakain na ng sandamakmak na pera sa cap space nila.
Mahihirapan na sila makakuha ng isa pang forward para sa depensa nila, sa tinging ko nga kahit yung rumor na offer nila kay Draymond Green na $100M in 3 years ay baka mahirapan pa sila. Kakailangan nila magbawas ng mga players na kumakain ng space at ito ang siguradong ikakahina ng team nila.
Nakilala sila sa good player rotation na isang magandang play ni Steve Kerr, kung wala silang maayos na bench ay panigurado lawit dila na naman si Steph Curry nito.
Pwede nila i-build si Jonathan Kuminga, ang hirap lang kasi bata pa, minsan medyo mainitin sa pagsalaksak sa rim although marami-rami din siyang nagawang pasiklab. Kulang na lang talaga sa experience na hindi naman nakukuha sa training.