Ang masamang senyales lang nito mga kabayan ay first time na natalo yong Heat sa series this season, sa lahat kasing series na nadaanan nila ay panalo sila sa game1 at yong Nuggets naman ay wala pang talo sa homecourt nila kung hindi ako nagkakamali, bali lahat ng senyales ay pumabor sa Nuggets, yong ay kung superstitious tayo hehe.
Sa akin naman, yong lang mga tira nina Martin at Strus na hindi pumapasok ay malaking bagay na yon kaya sila natalo, pero may adjustment talagang gagawin dito yong coaching staff kaya kampante ako na at least ma-cover ng Heat yong spread sakaling man matalo pa rin sila.
Yan din mismo ang record ng Lakers kabayan bago pa sila nagharap ng Nuggets, undefeated din sa Crypto Arena ang mga Lakers pero anong nangyari. Winalis pa haha pero oo nga, kung titingnan ng maigi ay klaro talaga ang pabor ng Nugget sa series na ito kahit paman na mas underrated sila kaysa sa Heat.
Gayun paman, suportado ko parin ang Miami Heat sa laban nila ngayong Finals at kumpyansa ako na kahit papaano ay may natutunan sila sa Game 1. Katunayan pa nga tatayaan ko sila ulit
Miami Heat +8.5 @ 2.01 tapos lagyan ko parin ng
moneyline @ 4.11 para kahit papano ay maka bawi-bawi rin kung maka tyempo ng maayos ang Heat.
Parehas tayo, heto narin tatapunan ko sa ngayon, kung hindi pumutok ang ML at least sana hindi matambakan ang Miami Heat. Tiyak treat nila tong game na to na nakapa importante kasi hindi pwede silang ma down ng 2-0 sa Nuggets.
Hindi rin naman maganda ang record nila sa homecourt nila, more on talagang nag steal sila sa kalaban kahit isa or dalawang panalo sa road.
So kailangan ganahan na si Jimmy Butler, baka umiskor ng 30 points pataas para manalo sila ngayong game.
At sa wakas, naka tyempo din tayo kabayan. Saktong sakto talaga yung nilagay natin na ML at handicap dahil parehong lumusot ang dalawang bet, congratulations!
Kung tutuusin din naman talaga ay may chance pa ang Miami Heat sa serye na ito at halos imposible din na isipin na walang natutunan ang Heat sa unang labanan nila na kung saan ay di sila binigyan ng chance, di man gaanong kataas ang kanilang chance ay chance parin yan kahit pagbabaliktarin pa. Next game is sa Miami na naman sila.
Ayos, congrats sa atin na nakataya sa Heat, yong sa akin lang ay walang ML, diritso na sa +9.5 @1.83 para iwas sa komplekasyon ba hehe pero ayos din lang kasi malaki-laki naman yong pinusta ko sa game2.
Gandang adjustment ang ginawa ni coach Spo doon ahh, nilagay nya sa starting five si Kevin Love instead of Martin kaya medyo lumaki yong line-up nila at si Jokic ay hinayaan nalang nilang maka-score basta huwag lang maging playmaker kung baga tira lang ng tira at ni-limit yong kanyang assists, so far working naman at marahil sa game3 iba na naman ang strategy ni kabayang coach Spo hehe.
Ayos lang yan, basta't panalo tayo hehehe.
Ganun parin strategy ko siguro sa next game, Dehado parin sila at +2.5 ang handicap, so far ML eh 2.18 at 1.91 sa handicap kaya masarap parin tayaan. Nakuha na nila ang homecourt, or at least nasa kanila ang momentum going to game 3 dahil sa kanila gagawin ang laban.
Katulad ng sabi ko sa kabilang thread bago mag laro ng game 2, kailangan talagang pumutok ang shooting nila sa outside dahil ang sikip ng gitna dahil nandun si Jokic. At yun nga, halos lahat may score sa tres sa labas samantalagang minalas naman ang shooting ng Nuggets.