Sabagay, kung hindi na nya madedevelop yung kakayahan nya or kung talagang hanggang dun na lang ang limit nya eh mahihirapan na talaga syang makapasok sa NBA, gaya nga ng sinabi mo lalamunin sya nung mga makakalaban nya. Pero syempre hindi pa rin natin masasabi kung ano pa ang kayang ipakita nung bata medyo malayo pa naman sya sa prime age nya kaya may chance pa rin naman na makapag improve maari siguro makapasok saglit pero yung competition talaga ang papatay sa kanya sa liga.
Malayo layo pa ang lalakarin ng bata natin na si Kai para mas maging attractive sa mga NBA teams. Pero tingin ko mas may edge sya ngayon kasi sa mga camp ng NBA teams, iniinvite naman siya. At lalo na nag champ ang Nuggets sa tulong ng bigman nila na si Jokic, iniiba niya ang laruan ng mga center at sana sa ganoong paraan ay mag improve si Kai lalo na sa pangangatawan niya, kasi pag nagkataon na makita ng mga teams na iba ang built niya at puwedeng iimprove, sigurado idraft siya pero kahit hindi man ma-draft basta mabigyan ng contract tulad ng mga players sa Heat, goods na rin.
Sana nga kabayan na kahit papano mapansin kahit ung mga invite lang malaking tulong na sa kanya yun, kasi magkakaroon sya ng chance na talagang matuto sa mga coaches ng iba't ibang camp na masasamahan nya, nasa determinasyon nya na lang talaga kung papalarin sya at mapapansin yung improvement na mapapakita nya. Mahirap kasi talaga ang kumpetisyon sa NBA lalo na sa dami ng mga higante at mga batang my dating talaga ang laruan isama mo pa sa dahilan eh ung pagiging asyano nya medyo malambot ang tingin sa atin kaya talagng dapat meron syan maipakitang improvement, ang common kasi talaga ng laruan nya tapos ang pagkukuparahan sa kanya eh yung current MVP's both regular at finals MVP parehong sento ang laruan.
Dito na lang ako dudugtong kasi kung mailalagay sa consideration ng Miami si kabayang Clarkson baka pwede rin nila consider si Kai hahaha, pero hindi natin alam kasi mukhang nabigyan na ng opportunity si Kai sa Mavs sa darating na D-League so sana nga mapansin si Kai kasi puro higante ang magsisipasok sa parating na season.
Sang-ayon ako dito sa iyo kabayan. Yong nga Thaco Fall na mas magaling at malaki pa kay Kai Sotto ay biglang nawala sa NBA, paano pa kaya si Kai. Yong nababasa natin sa social media lalo na sa Facebook ay mukhang mga fake news or click bait lang para sa views ba, kumbaga pinagkikitaan nila si Kai Sotto though fake news. May isang content creator na nagsabi na malaki daw chance ni Kai makapasok ngayon sa NBA dahil may dalawang team daw na interesado sa kanya, yong Dallas Mavericks at Orlando Magic pero kung babasahin or ire-research mo yong balitang yon ay wala ka namang makita na ganon.
Tama ka kabayan, genetic limitation lang siguro sa ating mga Pilipino na hindi lang talaga tayo pang-basketball internationally.
Uu nga kabyan, ung update dun sa binabasa ko patungkol sa D-League mukhang hindi na nga ata matutuloy si Kai, pero sana lang eh wag sya tumigil sa pagpupursigi na makasabak sa NBA bata pa naman sya and kung sakali malay natin gamitin sya bilang pang attract, I mean magamit sya sa publicity, malamang kahit hindi sya makapaglaro eh NBA is NBA pa din pag nakatapak sya at nakapirma ng kahit saglit na kontrata lang.