Congrats sa duo ni Jokic at Jamal nabitin nung bubble kasi medyo bata pa sila pero ngayong season sobrang solid na talaga ng dedication nilang manalo, kahit pa sabihin nating galing sa ACL si Jamal pero talagang ung tiwala nilang dalawa sa isa't isa akala ko tuloy magiging mala stockton-Malone na walang makukuhang kampeonato dahil sa bigat ng rivalry sa mga super teams lalo na nasa west sila, pero nagbunga lahat ng pagod at determinasyon nila.
Congrats sa Denver Nuggets, kung manatiling intact yong core nila ay masasabi nating may second championship trophy pa to kung wala lang injury sa isa sa kanila ni Jokic or Murray. Tingin ko ay sana bigyan nila ng pasalamat yong Heat dahil tinalo nila yong Bucks at Celtics dahil kung nagkataon na Celtics or Bucks yong nakatapat ng Nuggets ay hindi ganito kadali nilang makuha yong kampyonato pero that's part of the game hehe.
Walang dapat ikahiya yong Heat dito dahil isa sila sa pinakasigang team na galing sa play-in na muntik pa malaglag kontra sa Bulls, pero bumalik at tinalo yong number one seeded sa East kaya salute to Jimmy Buckets hehe.
Oo kabayan walang dapat ikahiya kasi sa naabot nila gamit yung lineup nila medyo mabibilib ka talaga, hindi natin talaga maaalis yung pagiging dehado nila minama sila ng Nuggets pero pinalagan nila kaya hindi nawalis ng wala man lang naipanalo, at yung mga plays ni coach Spo mapapabilib ka talaga sadyang inalat or talagang hindi kaya yung depensa dahil na rin sa adjustment ni coach Malone.
Kakayanin pa nila kasi ang babata pa ng mga players ng Nuggets and syempre pagkatapos manalo medyo lalong tataas yung kumpyansa nila sana lang walang tataas ang ere or lalakihan ng ulo.
Hindi lahat ng pumusta sa Heat kanina ay talo kabayan dahil kahit papaano ay nakabingwit din tayo +9.5 @1.84 yong taya ko kanina.
Ay oo nga pala, medyo sablay dapat pala ang sinabi eh yung tumudo sa ML ng Miami, hahaha.. Congrats kabayan!