At mas maigi na rin yan na sitwasyon para kay Durant para di naman sya ganun ka feeling entitled at kung di sya gaanong maglalaro ngayong season ay mas tataas lang ang chance nyang mananatili sa Brooklyn kasi wala ng team ang magkaka interesado na kumuha sa kanya dahil sa asal na ganyan. Wala na rin syang ipinagkaiba ni Simmons kung ganyan ang kanyang gagawin hehe.
May magandang tradenames sa kanila nyan "the big three heads" mantakin mo si Kyrie na after magchampion sa Cavs biglang nag request ng trade papuntang Boston, tapos si KD ganun din kabaligtran nga lang kasi after naman matalo sa champiosnhip kulang na lang kay Simmons isang ring, pero sa criteria eh sya yung pinaka the best kasi wala pa syang napapatunayan eh nag inarte na agad.
Tignan na lang natin ang magiging galawan sa papasok na season malamang naman kasi na meron pa ring negotiation yan
baka lang tahimik kunwari para hindi mapredict or para hindi mabuko ng NBA yung mga under ground talks between agents at
mga team owners.
Kawawa talaga ang buong Brooklyn Nets dahil nasa kanila ang tatlo drama queens sa league, di na ako magtataka kung di na rin ganun ka determinadong maglaro ang ibang players nila dahil nasa isip na nila na magiging pahirapan tong paparating na season para sa kanila.
Sa kanilang tatlo, pinaka kawawa si Ben Simmons dahil walang gusto kumuha dyan kasi wala pang napatunayan ay malaki na agad ang ulo.
Malas lang ni Durant dahil lumipat agad sya sa ibang team pagkatapos niyang makakakuha ng dalawang ring sa GSW, sa bandang huli din naman talaga ay aanhin mo ang napakalaking sahod kung ang mismong team naman na pupuntahan mo ay ikaw pa ang papasan halos kada laro. Ngayon dama na yan ni Durant.