At ang bet ko nga dyan, paglaruin muna si Durant ng Nets then saka i trade siguro. Depende din kasi sa lalaruin ng ibang superstars, kung panget ang laro nila eh baka pumayag na rin.
Yan din mismo ang nakikita ko na sitwasyon na mananatili muna si Durant sa Nets lalo na ngayon na malapit ng magsimula nag laro sa 22-23 season, malalaman natin yan sa susunod na mga buwan kasi ang ibang team ay nag o-observe lang din sa roster nila kung maganda nga bang kunin si Durant kahit mabigat ang kapalit. Worth it din naman kasi kunin si Durant kaya nga lang di nila matansya ng maayos kasi alam din nila na aalis din naman si Durant kung sakaling di magiging maganda ang takbo ng team.
Yan talaga ang magandang alternative sa ngayon, masdan muna ang takbo ng laro sa simula ng season. Baka magkaroon ng issue ang Boston malay natin, at biglang magiba ihip ng laro ni Tatum, at Brown at ni Smart at baka biglang mapapayag na sila sa trade para ma improve lang ang laro nila. Ganun din ang ibang team na interesado kay Durant katulad ng Phoenix. Kaya ngayon wala munang movement at pakiramdam na lang kay Durant.
At mas maigi na rin yan na sitwasyon para kay Durant para di naman sya ganun ka feeling entitled at kung di sya gaanong maglalaro ngayong season ay mas tataas lang ang chance nyang mananatili sa Brooklyn kasi wala ng team ang magkaka interesado na kumuha sa kanya dahil sa asal na ganyan. Wala na rin syang ipinagkaiba ni Simmons kung ganyan ang kanyang gagawin hehe.