Tumitingin ako sa any crypto news site or pages kung may update ba sa case nato pero wala padin akong nakikita
May update na kabayan sa BitPinas at mukhang hindi pa nila nafafinalize kung paano nila gagawin yung ban, so most likely hindi na matutuloy yung plano nila para bukas:
"implications to Filipino customer funds...." yes, buti naman pala at concerned sila. haha! Dahil:
1. marami pa rin ang hindi nagpu-pull out ng funds dahil either marami pa rin ang hindi aware sa issue or marami talaga ang ayaw magpull out ng funds nila sa exchange.
2. malamang nababalitaan nilang marami ang nagbabalak na lumabas ng bansa para maka access pa rin ng Binance lalo na yung mga big fish and marami sila sa bansa natin lalo na yung mga beterano na sa crypto. So ayaw nila ng outflow of funds. Imbes na umikot ang pera sa Pilipinas, lalo namang dadami ang lalabas ng bansa at gagastos ng pera sa ibang country so, kamusta naman ang economiya nila di ba... mas tataas ang percentage ng capital outflow.
3. Undesirable ang epekto ng malakihang capital outflow dahil magkakaron ng perception ng weakness sa economiya ng bansa natin. Buti naman at napapaisip sila...
"...working with other government agencies on the procedure of restraining unregistered entities' operations in the Philippines"
Baka ngayon nila naunawaan na may mga proseso pa muna silang tuparin bago nila magawa yung pag block ng access...
Thank you for sharing this update kabayan! Siguro mas mainam na magkaron na lang sila ng positive na resolution para lahat masaya.