Actually, medyo mahirap to once the SEC bans Binance dito sa bansa given na majority of the new and old cryptocurrency enthusiasts ay ito ang ginagamit. I guess once they implement this ban, balik na siguro sa coins.ph? I just hope na once they do execute this ban, may mga alternative pa din na magagandang exchanges like what Binance offers. As much as na ayoko sa coins.ph, pero kung sakaling mawala na nga si Binance, baka dito na lang ulit ako bumalik.
Kung wala talagang ibang mahanap na alternative, talagang coins.ph na ang nakikita nating babalikan para makapag withdraw ng funds sa ngayon. Pwede din naman na dumaan sa PDAX, pero dahil ang nakasanayan natin ay sa coins.ph na ay yung karamihan ay may current account na dito, papakinabangan nalang natin ito habang wala pang other alternative.
Mataas ang chance na matuloy dahil marami sila problema sa ngayon at baka di na muna nila ito matututukan pero since business ito at magaling ang mga chekwa sa larangan na yan malay natin yung pagiging silent nila sa issue eh niluluto na pala nila ang mga rekados para hindi na sila maging kolorum dito sa atin.
Actually totoo to. Mataas nga chance na matutuloy to given na wala silang license to do business dito sa Philippines. Once na foreign corporation ka without any license to conduct business dito, mahihirapan sila to conduct business since they can be sued dito pero wala sila standing in court.
Wala din kasi paramdam ang Binance kung may balak pa ba sila mag-register or wala. Ilang linggo na ang nakalipas pero wala silang updates kahit man lang sa mga users nila sa process ng registration nila. Ang nababasa ko sa iba ay nakareceive sila ng advisory patungkol sa bibigyan lang ng chance ang users to withdraw their funds pagkatapos maban ng exchange nila sa bansa natin.