Sa ngayong fully exit na ginawa ko pero baka pasukin ko pa rin ulit si Binance pag mas mataas pa rin rate doon sa p2p. Need ko kasi magwidraw para sa mga gastusin sa susunod na buwan. Para kasing mababa pa Bybit at di pa masyadong flooded.
Curious rin ako sa mga nandito kung ano na gamit niyo pang cashout. At kumusta naman ang rates.
Matagal ko ng ginagamit ang bybit pagdating sa usaping p2p at kung comparison ang pag-uusapan ay so far ang masasabi ko ay parang gumagamit din ako ng binace sa totoo lang. At wala akong naging problema dahil active din naman yung support nila.
Though in terms of trading naman ay medyo hindi ko lang din siya feel gamitin dahil nakukulangan ako sa mga tool indicators hindi katulad ng sa iba. Or maybe hindi ko pa kabisado yung trading sa bybit, pero sa p2p overall okay tlaga siya.
Kahapon ko lang napansin na top 5 exchange na pala sa biggest volume si Bybit. Mabuti naman at matagal kana pala sa exchange na yun. Same rin ako ng obserbasyon na hindi talaga siya parehas or kasing ganda ng Binance pero overall okay siya.
Sa Bybit kana rin kadalasan cashout kabayan? Curious ako sa experience mo. Smooth ba at at kung meron issues at mabilis lang maresolba? Need ko pa kasi ulit magcashout. At baka tuloy tuloy pa lalo na pag tataas ulit ng malakihan ang market. Medyo alanganin na akong magpadala sa Binance ko para lang sa p2p.
Nakapag cash out narin ako sa Bybit din, ok naman din sya parang Binance din pero syempre hindi pa ganun kalaki ang P2P. Pero nitong balitang ban sa Binance, tiyak lahat maglilipatan sa Bybit nyan specially na negosyo na to sa mga crypto enthusiast na malaki ang pera at kaya mamuhunan sa P2P. Confirmed ko na rin sa side ko na hindi ko na rin ma access ang Binance, pero may nakita akong posts a local natin kung paano pa to ma-access. Hindi na rin naman ako interesado at nakuha ko na naman lahat ng crypto ko dun at nasa custodial wallet ko na.
Oo kabayan sa palagay ko magdadagsaan yung mga namumuhunan sa bybit na galing sa binance dahil kung magbabasa basa ka makikita mo na maganda din talaga yung experienced ng mga gumagamit nito, nagtataka lang ako kasi ilang attempt na ko magpa verify pero ayaw tanggapin yung driver license ko either passport or national ID ang hinihingi sa kin, nung nagbakasakali akong mag pasupport sa chat nila ang sabi sa kin hindi daw sila tumatanggap ng driver license pero ung nag refer sa kin ang sabi naman driver license lang yung ginamit nya para ipa verify yung account.
Buti na nga lang at may access pa ko sa binance kaya nakakapag cash out pa ko, pero kung meron ng mga lugar na ban na sya or access block na malamang sa malamang malapit na talaga sa katotohanan yan sa lahat ng lugar.