Kaya wala sa plano ko talaga ang paggamit ng VPN. Totoo nga na walang makakapigil at sa mga gumagamit na wala namang issue, walang problema yun sa kanila dahil yun naman ang experience nila pero yun nga, para sa akin lang yun ang desisyon ko pero kapag sa ibang websites ay gumagamit ako.
Tama kabayan . pera natin to at tayo ang pwede ma perwisyo pag nmabulilyaso . andami namang pwede ipalit sa binance nagkataon lang na nasanay na kasi talaga tayo.
pero sa dulo nito pag talagang banned na binance? matututunan din naman natin ang ibang exchange and magiging kumportable din tayo.
Oo, masasanay din tayo na wala ang Binance pero sa mga ilang natitirang araw ay umaasa pa din ako na baka may mga pagbabago kasi sabi ng marami kung wala pa daw court order, hindi daw mababan basta basta ang website ng binance.
Un nga ang problema kaya nakakatakot magpasa ng asset sa local exchange, ung mga tyempo na bigla kang hihingan ulit ng additional KYC kaya talagang nakakaangat ang binance kasi isahan lang at pag natapos mo na eh malaya ka ng mag trade maliban na lang kung meron talagang masisilip sa activity mo na makakatrigger sa security nila pero kung wala naman dirediretso lang ang trade.
Kaya no choice talaga tayo, lipat lang kung saan comfortable at tingin nating mapagkakatiwalaan at wala ng masyado pang mga questions.
Hindi rin kasi makokontrol yan baka biglang lumabas na VPN mo hindi supported nganga ang account mo at malamang sa alamang damay ung laman ng wallet mo, kaya mahirap sumagal, pero nakadepende na rin yan sa mga nakakaintindi at may lakas ng loob.
Yun nga, kung wala namang problema sa paggamit, okay lang din pero ako hindi ko muna siguro itatry.