Tama ka, kabayan. Feeling ko nga din may mas malalim na dahilan kung bakit may mga moves ang SEC to prohibit users from using binance other than lack of business license, and para mapilitan ang mga users na gamitin ang local exchanges... control of wealth yan. Control will happen one person at a time.
Kung pagbabasehan natin ang mga binibitawang salita ng mga taga world economic forum, world bank, etc. ang kilos ng mga bansa ngayon is toward regulation of crypto. Financial disruptor kasi ang crypto, nasisira ang diskarte ng mga financial institutions dahil imbes na controlado nila ang finances ng mamamayan, dumarami ang yumayaman ng biglaan dahil sa crypto.
Kung susundan yung timeline mula nung magsimula ang binance hanggang sa ngayon, nung 2018 pa lang, mga more or less a year after magsimula ang binance, iniimbistigahan na sila ng US govt regarding "unlicensed money transmission", money laundering, and processing payments for criminals kuno (https://www.reuters.com/markets/us/us-justice-dept-is-split-over-charging-binance-crypto-world-falters-sources-2022-12-12/)
Bongga di ba, hanggang ngayon di pa tapos ang kaso anong taon na. As if naman ang mga banko di dumadaan sa kanila ang pera din ng mga kwestionableng tao...
Kaya ang bansa naman natin, sakay din... Although di naman ako against sa idea na dapat magparehistro na rin sila para everybody's happy. Baka kasi nagaantayan lang sila. Sa end ng Binance, baka naghihintay sila ng paghain ng formal complaint. Sa end naman ng SEC, enough na sa kanila ang advisory
Yup, kasi regulated na sila eh. Kaya nga lumampas ka lang ng konti dun sa quota mo, mahohold agad yung funds mo and masususpend yung acct mo. Need mo ulit dumaan sa mga verification and magsubmit ulit ng documentos which is hassle kasi di ka naman kawatan and natural lang sa crypto ang tumaas ng bongga yung value ng hawak mong currency. Pero dahil kailangan ma-control ang wealth ng isang indibidwal, as user, di ka makadiskarte ng bongga dahil kailangan bantayan mo yung quota mo para di masusupindi yung account di ba?
Pero tahimik nga... baka naman may nangyayari na sa background or sabi ko nga, baka naman nagaantayan sila. Yung isa naghihintay ng formal complaint, then yung isa naman ang akala, sapat na yung ginawa nilang hakbang...