Good day everyone!
Dahil sa current issue sa binance at iba pang exchange, naghahanap hanap ako ng wallet na pwede kong iconsider as alternative sa Binance para sa easiest way ng pagwithdraw to fiat. And napag desisyunan ko icheck ang coinsph, sabi ko nga nung nakaraan ay restricted ang account ko kahit na complete documents ang submitted ko sa kanila. And to my surprise, pagkacheck ko ngayon ay wala na ang restriction ng account ko ng wala akong ginagawa. Baka sakaling sainyo din at sana makatulong.
Ayos, lahat ata kinoconsider nila para bumalik mga users nila. Di ba nitong mga nakaraang buwan at taon parang ang daming nawala sa kanila, pati yung mga old users na naging loyal sa kanila parang pinagsakluban ng langit at lupa sa pinaggagawa nilang additional kyc/verification tapos sa pagbaba ng mga limits ng users nila. Magandang pagkakataon yan sa kanila para naman mas dumami ang bumalik sa kanila, yan lang naman ang gusto ng mga users nila, mataas na limits tapos hindi na masyado matanong sa kyc once na nakapag comply ka na.
Coinsph talaga ang nakikita ko din na best option sa ngayon para mas madaling makapaglabas ng pera. May other exchanges na may p2p din pero wala pang final announcement ng lists ng unregistered exchanges. Kaya baka dito muna ang gamitin ko kung saan registered at safe.
Ang nagustuhan ko sa kanila, convenient pa rin naman sila kahit iba na yung interface nila at wala yung mga majority services na meron sila like load sa cellphone at mga games. Registered din sila sa BSP at may license sila kaya kung sa exchange lang din na local, isa yan sa choice ko din pero hindi ako nagi-iwan ng malaking amount sa kanila.