Totoo yan. Maliit man o malaki mahalaga pa rin kaya kahit sabihin na nating yung amount na yun ay kaya mong mawala deep inside eh hopeful tayo na hindi naman yun mangyari.
Hindi na ako active mag trade ngayon kaya hindi na talaga ko nag iiwan ng funds sa centralized exchange o wallet app. Mas prefer ko mag hold na lang at paminsan minsan withdraw pag kailangan. Pero isa pa rin ang coins sa nagagamit ko pag mag cash out, small amount lang din naman.
Mas mabuti yan sayo na hindi ka na nag iiwan ng funds basta ang mahalaga ay hawak mo funds mo sa wallet na ikaw din mismo ang may control. Ang point lang naman din ng mga exchange ay magamit natin para na din pang withdraw o cash out.
Kung alam mo sa sarili mo ang dapat gawin, hindi ka dapat tamarin lalo sa pag manage ng iba't-ibang account. Ako para sa safety ng pera paglalaanan ko talaga ng oras at panahon na ayusin lahat ng kailangan gawin lalo na ang pag secure ng pera sa mga wallet. Narasanan ko na kasi yan noon sa isang wallet, hindi na pwedeng maulit pa. Natuto na din sa pagkakamali dati, lagi ko lang iniisip na mabuti nang maging maingat kaysa pagsisihan kung mawala balang araw.
May mga ganung tao lang din talaga na kahit para sa safety ng pera ay kinatatamaran. Pero kung saan ka sanay at tingin mo ay para sa kabutihan ng accounts at finances mo mapa coins.ph man yan o ibang mga wallets, ang mahalaga din diyan ay gumagawa ka paraan para sa arili mong safety.