Madalang na ako gumamit ng Coins.ph trade na lang ako sa mga peer to peer trader na kilala ko ang dami ko kasi kilala na na rerestrict yung account nila dahil sa mga casino platform kasi sa terms nila ang dami bawal mas ok sa akin ang Abra naka test ako three times at ganun din sa Gcrypto nasa experimental stage pa lang din ako ng paggamit ng ibang exchange hopefully makakakita tayo ng mas better sa Coins.ph.
Okay at existing pa rin ba ang Abra until now? Parang nakaraan kasi nabalitaan ko parang may problema din sila sa SEC ng US. Kapag sa coins.ph talaga tapos fund mo galing gambling, may paraan sila para ma trace kaya mas maganda kung iconvert mo nalang muna o di kaya ipasa mo muna sa ibang mga wallets mo kaso nga lang hindi na siya ideal ngayon dahil nga ang taas ng fees. Kung cents lang ang halaga ng transfer fees, walang problema sana at sobrang dali lang gawin kaya kung gusto mo sila gamitin at galing sa gambling ang fund mo, trade mo nalang muna sa ibang platform o exchange.
Hindi pa rin ako masyadong kampante sa GCrypto medyo basa basa at abang abang muna hindi rin kasi sigurado na hindi sila maghihigpit,
alam naman natin na pag nagkaipitan baka maging mahigpit din sila.
Lalo na ngayong umiingay yung issue kay binance syempre hindi lang international ang masisilip ng gobyerno malamang pati lokal exchange
at kung magkataon na makitaan ng butas kahit pa sabihin natin malaki ang userbase ng GCrypto hindi malayong ipitin din sila.
Tingin ko nga mas kampi ang gobyerno natin sa mga local exchanges dahil mas taxable sila at siyempre ang rarason nila ay atin 'to. Pero hindi din nila marealize o realized naman nila na sobrang laking liquidity at taxation ang puwede nilang makuha sa Binance kaya nga ganito ginagawa nila.