Dahil sa current issue sa binance at iba pang exchange, naghahanap hanap ako ng wallet na pwede kong iconsider as alternative sa Binance para sa easiest way ng pagwithdraw to fiat. And napag desisyunan ko icheck ang coinsph, sabi ko nga nung nakaraan ay restricted ang account ko kahit na complete documents ang submitted ko sa kanila. And to my surprise, pagkacheck ko ngayon ay wala na ang restriction ng account ko ng wala akong ginagawa. Baka sakaling sainyo din at sana makatulong.
Matagal na akong hindi gumagamit ng coinsph ko sa totoo lang, hindi ko na nga din alam yung pasword ko. yung huling gamit ko kasi ng coinsph yun ata yung mga panahon na nainis na ako sa kanila dahil sa dami ng requirements na hinihingi eh kung ano naman yung binigay ko sa kanila nung na verified ako ay yun parin naman ulit yung sinabmit ko tapos ang dami nilang tanung at kung ano-ano hinihingi sa akin.
Hindi ko lang din alam kung pwede bang gumawa ulit ng accout sa kanila at magsubmit nalang ulit ng valid id saka yung number ko hindi narin yung gamit ko dati sa kanila wala narin yun, dahil yung ngayon ay ang mag nirehistrong simcard number narin kasi.
Wow! Masubukan nga e-check yung saken mamaya. Meron pa naman unting pondo yun. Nakakairita na rin kasi itong Coins.Ph.
Pero same tayo na naghahanap rin ng alternative kay Binance. Pangit lang talaga masyado sa Pilipinas dahil sa sobrang taas ng spreads. Mahirap na bansa na nga lalo pang pinapahirapan yung tao.
- Pag regulated kasi asahan na natin na mataas talaga yung spread na kukunin nila sa kanilang mga users. Kahit na hindi na makatao sa totoo lang. Pero meron akong nabasa na pwedeng pang-alternative sa coinsph kabayan ito ay ang metamask at Stables apps.
Meron narin yang mga topic na ginawa dito sa ating lokal community ito yung link basahin mo nalang kapatid https://bitcointalksearch.org/topic/metamask-tumatanggap-na-ng-gcash-5477120 at https://bitcointalksearch.org/topic/stables-wallet-5477715 Sana makapagbigay ito ng tulong
kahit papaano sa hinahanap mo.