Yun talaga dahilan para makabalik yung maraming mga users nila. Lalo na yang SEC at Binance issue, mas lalong lalaki influx ng users sa kanila kaya mas pinapagaan lang din nila ang standard nila ngayon. Pero huwag ka, kapag ka medyo okay okay na ulit ang bilang ng mga active users nila, baka naman simula na ulit silang maghigpit dahil ganyan naman madalas nilang ginagawa. At marami silang papromo ngayon na deposit/interest sa mga accounts pero yun nga lagi nating paalala, kapag hindi mo hawak ang private key ay hindi ikaw owner ng crypto na dinedeposit mo sa kanila.
kaya hiling ko pa din talaga na mag comply na ang Binance at makipag cooperate na sa pinas government , sana i consider pa din nila ang mawawala sa negosyo nila at ang mga magkakalat na users ng binance though alam naman natin na pwede pa ding gumamit ng VPN para makapag transact sa Binance pero syempre delikado na para satin lalo na funds ang pinag uusapan dito.
Yan din gusto ko, kahit na bumalik na ako sa paggamit kay coins.ph. Mas maganda pa rin na may iba tayong mga choices, alam naman ng lahat yan na hindi dapat tayo magstick sa iisang exchange lang. Lalo na kapag dumating na yung panahon na gusto mo na ibenta ng isang bagsakan yung hinohold mo. May nagtanong na ba dito kay Binance na okay lang gumamit ng VPN sa pag access sa kanila kapag nagtapos na yung deadline? Hindi ko pa kasi natanong at baka may nauna ng nag inquire.
Pero isang araw ay subukan ko din gumawa ng account dyan, pero hanap parin ako ng iba na baka may makita pa ako na mababa lang ang spread kasi mataas lang daw talaga ang fee sa coinsph pero kung no choice talaga edi mapipilitan narin ako gumamit nyan talaga.
Malaki talaga spread kapag sa coins.ph ka mismo magko-convert o mag trade. Kaya ang mabisa sa ganyan ay lipat ka lang sa coins pro nila na kasama din naman sa browser/desktop at sa application nila mismo. Mas madali lang mag trade at doon din ako minsan nagte-trade kapag kailangan ko. Sa totoo lang, yang mga fees na yan hindi ko na iniisip kung mabilis ka naman makapagliquidate sa kanila. Magkano lang naman ang spread niyan kung hindi naman 20k-100k+ ang ite-trade mo. Kung mababa lang na amount, parang hindi naman ramdam masyado yung spread. Ang mabisa lang din, isipin mo nalang na convenience fee yung spread para may pampalubag loob ka.