Nagamit ko na yan ilan beses na pero nung di pa sya instant. Yesterday update yang instant na raw ang withdrawal sa ML. Di ko pa nasusubukan since di na sya ang main option ko pag big cashouts.
Naku mas mahal sa Cebuana, 2% withdrawal fees. Thank you na lang kahit marami sila branches hehe. Siguro sa mga rural areas malaking tulong sya.
Saka sa LBC, 1 beses pa lang ako nakaencounter na naubusan ng pondo. Sa mall pa yan a. Malaki kasi volume ng tao sa mga mall. Outside mall branches, di pa naman din ako naabutan na zero. Dyan ngayon papasok ang kagandahan ng ML. Never pa ako naabutan na maubusan ng pondo dito kahit sa mall na maraming tao. Take note, gabi pa ako nagwiwithdraw nyan.
Bottom line, basta maraming option for instant mas maganda. Para pag urgent may matatakbuhan.