Mahirap naman kasi tapatan ang Binance na mostly prefer ng karamihan na mga pinoy at kung may iba mang kakumpitensya itong exchange/trading market nila, PDAX ata ang parang close tapos integrated pa sa Gcash.
Kaka-update ko lang kanina yong account ko sa coins.ph, at least may marami tayong options pagdating sa pag-convert ng ating crypto into peso.
Mukhang hindi na sila strikto pag nagpadala ka ng crypto galing sa ibang wallet ngayon dahil hindi ka na hinihingan kung saan galing yong crypto mo di gaya ng dati na kulang nalang ay hindi tanggapin, epekto siguro to sa maraming kompetisyon sa market.
Kaya payo ko kabayan, kahit di mo gamitin yong coins.ph account mo, i-update mo pa rin, magagamit mo rin yan balang araw.